Biglang pagbaba ng timbang
Maraming dahilan kaya bumababa ang timbang.
Ilan dito ay dahil may dinadalang problema kaugnay sa trabaho, pamilya at kaibigan.
Ang dalawa pang kondisyon na maaaring maging sanhi ng pagbaba ng timbang ay diabetes at hyperthyroid. Kung ang isang tao ay hindi kayang kontrolin ang diabetes, ang labis na asukal ay hindi ina-absorb ng katawan at lumalabas ito sa ihi.
Ang hyperthyroidism ay nagiging sanhi ng mabilis na metabolismo, kaya’t nagiging sanhi ng pagbaba ng timbang. Ang parehong mga kondisyon ay maaaring magamot.
Gayunman, kung ang isang tao ay bumaba ang timbang na hindi naman nagdiyeta, ito ay mahalagang senyales. Kahit na ang tao ay hindi nagrereklamo ng anumang sakit, dapat na suriin ang pasyente dahil sa posibleng kanser o ibang sakit.
Maraming kanser ang walang sintomas. Halimbawa, ang kanser sa tiyan, colon, atay at baga ay karaniwang hindi nagpapakita ng senyales. Bilang karagdagan, ang kanser ay maaaring makaapekto sa bata at matatanda, ngunit ito ay mas karaniwan sa mga matatanda.
Kaya kung nabawasan ka ng timbang, magpatingin sa doktor at gagawan ng lab test. Huwag mag-alala. Kung sumusunod ka sa healthy lifestyle ang mga test ay magiging normal.
- Latest