^

PSN Opinyon

Pulmonya: Impeksyon sa baga

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ang pulmonya ay isang matinding impeksyon sa baga dulot ng bacteria, virus o fungus. Mas malaki ang panganib kung ang pasyente ay edad 65 pataas, may matagalang karamdaman o mahina ang immune system.

Ang iba pang risk factors sa pagkakaroon ng pulmonya­ ay ang paninigarilyo, may emphysema (isang sakit sa baga), at exposure sa polusyon sa hangin.

Paano nakukuha ang pulmonya?

Kadalasan ay nag-uumpisa ang pulmonya bilang isang trangkaso o ubo. At kung mahina ang ating katawan, puwe­deng lumipat ang impeksyon sa ating baga at maging pul­monya.

Ang sintomas ng pulmonya ay ang lagnat, ubo, hirap sa paghinga at panghihina ng katawan. Ngunit hindi lahat ng tao ay magkakaroon nitong sintomas.

Dahil dito, mas mabuti na magpa-Chest X-ray ang pas­yente. Ang Chest X-ray ang tiyakang magsasabi kung ika’y may pulmonya o wala. Ipinasusuri din ng doktor ang plema (sputum test) para matukoy ang mikrobyo ng pulmonya. Makikita sa blood test (CBC test) ang epekto ng impeksyon sa katawan.

Ano ang komplikasyon?

May dalawang klase ng pulmonya. Ang isa ay naku­kuha sa komunidad, ang Community Acquired Pneumo­nia. Ang isa naman ay galing sa ospital, ang Hospital Acquired Pneumonia. Mas seryoso ang mikrobyo na galing sa ospital.

Ang kumplikasyon ng pulmonya ay mas nakikita sa mga may edad, naninigarilyo at may dating sakit sa baga. Posibleng lumipat ang mikrobyo mula sa baga at kumalat ito sa dugo. Sepsis ang tawag dito. Puwede ding magkaroon ng nana (abscess) o tubig sa baga.

Gamutan sa pulmonya:

1. Pag-inom ng antibiotics. Kapag hindi malala ang pulmonya, puwede pa ito makuha sa pag-inom ng antibiotics, tulad ng Co-Amoxiclav 375 mg tablets. Ngunit kung may edad na ang pasyente o matindi ang impeksyon na tumama, kailangang ipasok sa ospital ang pasyente para mabigyan ng antibiotic sa swero.

2. Pag-inom ng gamot sa ubo at lagnat, tulad ng carbocisteine capsule at paracetamol tablets.

3. Magpahinga at huwag muna pumasok sa trabaho.

4. Uminom ng 8-10 basong tubig para lumabnaw ang plema at bumaba ang lagnat.

5. Magpatingin at sundin ang lahat ng payo ng doktor.

Paano iiwas sa pulmonya?

1. Magpabakuna laban sa pulmonya at trangkaso. Ang pneumonia vaccine ay binibigay bawat 5 taon, at ang flu vaccine ay binibigay kada taon. Ang mga taong edad 60 pataas ang kadalasang binibigyan nito.

2. Huwag manghawa ng iba. Maghugas ng kamay palagi. Idura ang plema sa tissue o lababo at hugasan ito. Huwag gaano makipag-usap sa ibang tao. At siyempre, itigil na ang paninigarilyo

vuukle comment

BAGA

PULMONYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with