^

PSN Opinyon

Kanser

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

1. Maraming klase ng kanser. May kanser na nagagamot pa. May kanser na nakokontrol. May kanser na mabagal gumalaw o nare-reverse ang paglaki. Depende sa kanser at kondisyon ng pasyente.

2. Kahit anong stage pa ito, puwede pa ring mapahaba ang buhay.

3. Ang payo ko: magpatingin sa doktor; sundin ang payo ng doktor kung chemotherapy o surgery ang kaila­ngan; lakasan ang loob at palakasin ang katawan; huwag munang umasa sa mga alternatibong gamutan dahil mas malaki ang tsansa ng pasyente sa gamutan ng doktor.

4. Kahit sabihing stage 4 pa, iba’t iba pa rin ang kahi­hinatnan nito. May stage 4 na seryoso at kalat na sa ma­raming parte ng katawan. May stage 4 na kaunti lang ang kalat at mas maganda ang prognosis. Tinawag lang ng ga­nitong stage dahil sa depinisyon ng staging.

5. Maraming factors ang tumutukoy sa haba ng buhay. Mahalaga ang gamutan ng doktor, suporta sa nutrisyon, suporta ng pamilya, lakas ng loob, determinasyon ng pa­s­yente, positibong pananaw at pagdarasal sa Diyos.

6. Walang makapagsasabi ng haba ng buhay. Walang sinuman ang tiyak sa kanyang kinabukasan. Gumawa lang tayo ng mabuti.

7. Bilang doktor ang tungkulin ko ay magbigay ng inspi­rasyon at lakas ng loob sa pasyente.

8. Katuwang ng tamang gamutan, bigyan ng pag-asa at pagmamahal ang pasyente.

9. Kahit gaano kadilim ang hinaharap natin (sa sakit o sa problema ng bayan) dapat magtiyaga at lumaban lang.

10. Walang imposible sa Diyos. Naniniwala ako na bibigyan tayo ng Diyos ng sapat na haba ng buhay para magawa ang ating misyon sa buhay

* * *

Halaga ng calcium sa katawan

Ang calcium ay kadalasang naririnig sa mga produktong may kinalaman sa pagpapatibay ng ating buto. Nakakatulong ito sa mga bata at matatanda upang mapatibay at maiwasan ang pagrupok ng bato. Ngunit hindi lang ito ang maaring idulot ng calcium sa ating katawan.

Narito pa ang mga benepisyo ng calcium:

1. Nakakatulong upang maiwasan ang pagtaba.

2. Nakakatulong sa muscles ng puso.

3. Nakakatulong upang maiwasan ang colon cancer.

4. Nakakatulong upang maging maganda ang ating mga balat.

5. Ang mga pagkain na mayaman sa calcium ay gatas, keso, sardinas, orange, soymilk at yogurt.

KANSER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with