^

PSN Opinyon

Ba’t nagkakaroon ng almoranas?

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Pagsapit ng 50-anyos, mga 50 percent ng mga tao ay may almoranas o hemorrhoids na.

Ano ang almoranas? Ito’y mga ugat at laman na luma­labas sa puwit. May mga ugat sa loob ng puwit, at sa katagalang pag-iire, puwede itong lumalabas, maipit at dumugo.

Ang sintomas ng almoranas ay ang masakit na paki­ramdam habang dumurumi. Parang may napupunit sa puwit­. Minsan, may dugo sa dumi o sa puwitan. May pagkaka­taon na makakapa rin ang almoranas sa puwitan.

Ang sanhi ng almoranas ay ang pagtitibi o pagiging cons­tipated. Kailangan natin mapalambot at mapadali ang pagdumi.

Ang solusyon dito ay damihan ang pagkain ng pagkaing mataas sa fiber. Kailangan natin kumain ng limang tasa ng pagkaing mataas sa fiber tulad ng gulay, patola, okra, kangkong, prutas, brown rice, wheat bread, mani at iba pa.

Kapag maraming fiber tayong kinain, mas magiging ma­laman (may bulk) ang iyong dumi at madali itong mailabas. Minsan, isang irihan lang at lalabas na ang dumi. Dahil dito, mas hindi masusugat ang iyong almoranas o puwit.

Uminom din ng 8-12 basong tubig. Kailangan mo nang maraming tubig para hindi tumigas ang iyong dumi.

Huwag umasa sa gamot na pampadumi dahil lalo ka lang magtitibi pagkatapos ng epekto nito.

Isa pang tip: Huwag pigilin o ipitin ang paglabas ng dumi. Kapag pinipigil natin ang paglabas (tinitigas ang masel ng puwit) lalong kikipot ang lalabasan ng dumi at masusugatan lalo ang almoranas.

Ikalma ang sarili at subukang ilabas ang dumi ng isang pag-iri lang.

Magpatingin sa doktor (surgeon) para masiguro na almoranas ang problema.

ALMORANAS

HEMORRHOIDS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with