Tips para mapangalagaan at mapaganda ang buhok
Malaki ang nagagawa ng tamang nutrisyon para mapangalagaan at mapaganda ang buhok.
Narito ang mahahalagang tips:
1. Kumain ng mayaman sa vitamin B6, B12 at folate para sa paggawa ng red blood cell na nagdadala ng oxygen sa selula ng anit at hair follicles.
2. Ang vitamin B6 (Pyridoxine) ay makukuha sa corn oil, olive oil, mani, kasoy, pili, soya, taho, tofu, soymilk, oatmeal, kamote, peanut butter at pakwan.
3. Ang vitamin B12 ay mula naman sa itlog, keso, gatas, tulya at talaba.
4. Ang folate ay galing sa tokwa, soya, taho, alugbati, bawang, gabi, malunggay, saluyot, sitaw, mais at papaya.
5. Ang biotin ay makukuha sa itlog, mani, peanut butter, wheat bread, atay, kidney at gatas.
6. Kailangan din ang protina mula sa manok, hipon, baboy, baka at soya.
7. Ang beta-carotene ay para sa cell growth at makukuha ito sa mga gulay at prutas na kulay dilaw at orange.
8. Ang zinc para sa tissue growth at repair ng mga glands at hair follicles. Makukuha ito mula sa baboy, manok, laman, gatas, yogurt, mani, talaba, alimango, peanut butter at kasoy.
9. Uminom nang maraming tubig para hindi matuyo ang buhok at anit.
10. Ang cream rinse ay para dumulas ang buhok sa pagsuklay dahil ang buhol-buhol na buhok ay madaling malagas. Gumamit ng shampoo at conditioner na may protein. Kapag dry hair ka ay mild shampoo lang ang gamitin.
11. Huwag imasahe ang anit nang malakas dahil baka mabunot ang buhok.
12. Marahan lang ang pag-brush lalo na kapag basa ang buhok dahil marupok ang buhok kapag basa. Ang tamang pagsuklay ay mula sa harap papunta patalikod.
13. Iwas laging mainitan ang buhok tulad ng blow drying at init ng araw.
14. Kung puwede ay umiwas sa matatapang na kemikals tulad ng swimming pool chemicals, bleaching, kulot at straightening. Paminsan-minsan lang kung gusto.
15. Kung magsa-shampoo, basain at banlawang mabuti ang buhok. Marahan lang sa pagtuyo ng buhok gamit ang tuwalya para hindi maputol ang hibla ng buhok.
- Latest