^

PSN Opinyon

Katibayang nadinig lang

IKAW AT ANG BATAS - Atty. Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

Upang mapawalambisa ang kasal dahil sa psycholo­gical incapacity, sapat na bang mapatunayan na ang isang asawa ay nahihirapan, tumatanggi o ayaw gampanan ang tungkulin niya bilang isang asawa? Ito ang sasagutin sa kaso ng mag-asawang Gerry at Brenda.

Pagkaraan ng anim na taong pagsasama bilang mag-asawa, lumabas ang masamang ugali ni Brenda. Lagi siyang naninigarilyo at naglalasing. Kaya noong siya ay nanganak­, namatay agad ang anak dahil sa panghihina at kagutuman. Pagkaraan ay namuhay si Brenda na parang dalaga muli na laging nagpupuyat walang pakialam at ayaw gam­panan ang tungkulin niya bilang asawa. Lagi niyang minu­mura at sinasaktan si Gerry.

Kaya pagkaraan ng pitong taong pagsasama, umalis­ na si Brenda sa kanilang bahay. Nalaman ni Gerry na si Brenda ay may ibang kinakasama. Kaya humingi ng payo si Gerry sa psychologist. Sabi ni Brenda na alam na alam niya ang kanyang tungkulin bilang asawa at may kakayahan gumanap nito.

Sinuri ng psychologist si Brenda at napatunayang mayron­ itong “narcissistic personality disorder” at anti-social disorder. Sinabi ng doctor na ang relasyon nina Gerry at Brenda ay hindi batay sa pag-iibigan, tiwala respeto at katapatan sa isa’t isa.

Dahil dito nagsampa na ng petisyon si Gerry sa Regional Trial Court (RTC) na ipawalambisa ang kasal nila dahil si Brenda ay psychological incapacity na gampanan ang tungkulin bilang asawa.

Hindi sumipot si Brenda sa pagdinig ng kaso kahit ina­­bisuhan siya sa pamamagitan ng kanyang tiyahin. Pag­karaan ng pagdinig ng kaso, nagdesisyon ang RTC pabor kay Gerry. Sabi ng RTC talagang may psychological inca­pacity si Brenda na gampanan ang tungkulin bilang asawa.

Ngunit binaliktad ng Court of Appeals (CA) ang desis­yon ng RTC at dineklara na sina Gerry at Brenda ay mag-asawa pa rin. Sabi ng CA na ang walang psychological incapacity ay kasiraan sa ulo at hindi lang walang kaka­yahan tumupad sa tungkulin bilang asawa.

Dito sa kaso, napatunayan lang na hindi sila magka­sundo,nagtataksil si Brenda at hindi tapat sa tungkulin. Tama ba ang CA?

Tama. Sabi ng Korte Suprema, ang psychological inca­pacity ay seryosong kawalan ng isip na tumupad sa tungkulin bilang asawa dahil walang damdamin o kakayahang intindihin ang kasal. Si Brenda ay lagi lang umaalis at parang bata na gampanan ang kanyang tungkulin bilang asawa. Ito ay dahil lang sa ayaw tumupad at gampanan ang kanyang tungkulin bilang asawa. Hindi ito psychological incapacity ayon sa mga nakita ng psychologist. Hindi puwedeng pagbatayan dahil lang sa mga impormasyong sinabi sa kanya ni Gerry. Parang hearsay evidence lang ito (Vinas vs. Vinas, G.R. 208790, January 21, 2015).

GERRY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with