^

PSN Opinyon

Mga benepisyo ng suha

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Alam ba ninyo na maraming benepisyo ang suha? Ang pomelo o suha ay kabilang sa mga citrus fruits tulad ng orange at dalandan.

Maraming bitamina ang suha tulad ng vitamin C, vitamin A, vitamin B1, vitamin B2, calcium at iron.

Pero ang kagandahan ng suha ay ang pagiging mababa nito sa calories kaya hindi kayo tataba. Sa bawat 100 grams ng suha ay may 44 calories lang. Dahil dito, puwede itong kainin ng mga may diabetes at overweight.

Narito ang mga benepisyo ng suha:

1. Para sa kanser

Ang balat ng suha ay may sangkap na bioflavonoid. Ito’y nakatutulong sa pag-iwas sa cancer, lalo na sa breast cancer.

2. Para sa mataas ang kolesterol

Tulad ng mansanas, ang suha ay may pectin din. Ang pectin ay nakatutulong sa pagtanggal ng kolesterol sa ating katawan. Dahil dito, mainam ang suha para sa may sakit sa puso at may bara sa ugat.

3. Para sa immune system

Ang mataas na vitamin C ng suha ay nakapagpapalakas ng immune system. Ang vitamin C ay binibigay sa mga taong laging sinisipon at madalas magkasugat. Kapag kumain ka ng suha, para ka na rin uminom ng tableta ng vitamin C.

4. Para hindi tumaba

Ang mga prutas na puwedeng kainin ng mga nagdi-diyeta ay ang suha, mansanas at peras. Hindi ito gaano nakatataba. Ang mga prutas na mabilis makataba at dapat ninyong iwasan ay ang mangga at ubas, dahil grabe ang tamis at dami ng calories ng mga ito.

5. Para sa may diabetes

Kung ika’y may diabetes, puwede sa iyo ang suha at mansanas. Paalala lang na 3 o 4 na hiwa lang ang kainin. Huwag ubusin ang buong suha.

6. Sa pagbili ng suha

Piliin ang mabigat, mabango at malinis ang balat. Ang mapupulang klase ng suha ay mas masustansiya at mas matamis.

7. Payo sa pagkain ng suha

Kumain din ng kaunting balot nito (yung mapula at manipis na balat). Nasa balot ng suha ang kakaibang bioflavonoid na lumalaban sa sakit.a

vuukle comment

SUHA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with