Kaibigan (130)
HINDI malilimutan ni Dex ang mga nangyari sa seafood restaurant na una nilang kinainan ni Tess. Si Tess ang nagplano ng lahat para sila magkasama ng gabing iyon. Huli na nang malaman ni Dex na talagang sinadya ni Tess na maglasing-lasingan para maiuwi niya ito sa bahay. Inamin iyon ni Tess sa kanya. Lahat daw ay gagawin ni Tess para mapansin niya. Nagtagumpay si Tess sa plano.
Humanga siya kay Tess. Hindi nito ikinahihiya ang ginawa para lamang sila magkalapit.
Ang akala ni Dex, talagang lasing na lasing si Tess ng gabing iyon. Sa taxi ay parang katawan ng saging na natumba. Ang husay umarte. Nahirapan siyang ipasok sa bahay. Yakap-yakap niya at baka matumba. ‘Yun pala, hindi naman talaga lasing!
Binihisan pa niya dahil akala niya lasing talaga. Pati bra at panty inalis niya. Walang kakilus-kilos sa pagkakahiga. Nang sumapit ang madaling araw, naramdaman niya na katabi na ito sa sopa.
Hanggang sa maganap ang lahat sa kanila. Hindi na ito umuwi sa kanila. At ang mga sumunod ay ang masaya nilang pagsasama, natutuhan niyang mahalin nang labis si Tess. Napag-aaralan palang magmahal.
Napangiti si Dex makaraang maalala ang mga nangyari sa kanila ni Tess sa seafood restaurant.
PASADO alas dose ng hatinggabi nang umuwi si Dex. Pagbukas niya ng gate, natigilan siya. Parang may nakatingin sa kanya! Malakas ang kutob niya! (Itutuloy)
- Latest