Mga payo na makabubuti sa iyo
1. Kumain nang sapat na protina—Ang protina ay maaaring magpalakas ng metabolismo. Maaari nitong mabawasan ang cravings o pagnanais na mag-snack muli sa gabi. Ngunit ang pagkain ng sunog na karne ay maaaring magpataas ng panganib ng kanser.
2. Kumain ng mga gulay at prutas—Ang mga gulay at prutas ay puno ng fiber, bitamina, mineral at maraming antioxidant. Ayon sa eksperto, ang mga taong kumakain ng karamihan sa mga gulay at prutas ay nabubuhay nang mas mahaba. Mababawasan din ang sakit sa puso, type 2 diabetes, labis na katabaan at iba pang mga sakit.
3. Mag-ehersisyo ng regular—Ang ehersisyo ay makatutulong para sa iyong mental at pisikal na kalusugan. Ito ay epektibo sa pagbawas ng taba sa tiyan o belly fat.
4. Matulog nang sapat—Iwasan ang maliliwanag na ilaw bago matulog. Maaari nitong mapigilan ang paggawa ng sleep hormone o melatonin. Ang kulang sa tulog ay maaaring magdulot ng panganib sa diabetes at hormonal imbalance.
5. Huwag manigarilyo, magdroga at limitahan ang pag-inom ng alak.
6. Alagaan ang iyong relasyon sa buhay—Ang pamilya at kaibigan ay napakahalaga hindi lamang para sa iyong kaisipan kundi sa iyo ring pisikal na kalusugan. Ang mga taong may malapit na kaibigan at pamilya ay mas malusog at mas mahaba ang buhay kaysa sa mga wala nito.
7. Umiwas sa mga pausong diet o fad diets—Huwag basta maniniwala sa mga nauusong diyeta. Ayon sa pag-aaral, ang mga nag-diet ay panandalian lang ang epekto ay lalo lang bumibigat ang timbang tapos mag-diet. Sa halip na mag-diet, subukan ang mag-healthy lifestyle. Ibig sabihin ay maging healthy sa kinakain, sa pag-ehersisyo, sapat na tulog at tamang pag-iisip sa araw-araw.
- Latest