^

PSN Opinyon

Walang silbi ang palusot

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

ANG kasong ito ay tungkol kay Fred at Naty. May 34 na taon na mula nang magpakasal sina Fred at Naty alinsunod sa paraan ng Iglesia ni Cristo sa isang lungsod sa probinsiya sa bandang timog. Matapos ang 17 taon mula nang sila ay magsama at magkaroon ng dalawang anak ay nilisan ni Fred ang kanilang tahanan at lumipat sa ibang lungsod para maghanap ng trabaho. Hindi nagtagal, inabandona niya ang pamilya at nadiskubre na lang ni Naty na kinakasama ni Fred si Lina at nagpakasal sa MTC may apat na buwan mula nang iniwanan silang mag-iina.

Kaya kinasuhan ni Naty si Fred sa RTC para sa krimen na bigamy. Sa arraingnment sa RTC, itinanggi nina Fred at Lina ang paratang. Inamin nila na kinasal sila kahit pa umiiral ang unang kasal kay Naty pero ang palusot ng dalawa ay hindi sila puwedeng parusahan dahil sumanib sila sa relihiyong Islam bago nagpakasal.

Ayon sa RTC, walang pag-aalinlangan na nagkasala sina Fred at Lina sa krimen ng bigamy. Nararapat lang daw paru­sahan sila at hatulan ng pagkakulong mula 6 na buwan, 1 araw hanggang anim na taon at 1 araw bilang pinakamatagal na sentensiya. Ayon sa RTC, hindi uubrang gamitin ang batas ng mga Muslim sa kaso ni Naty dahil hindi naman daw Muslim ang isa sa mga sangkot. Kinatigan ng Court of Appeals ang desisyon ng RTC na nagpahayag na kumpleto ang lahat ng elemento ng bigamy sa kaso. Maliban daw ipawalang-bisa muna ang unang kasal at maging pinal iyon ay may pananagutan sa bigamy ang lahat ng kukuha ng pangalawang kasal. Tama ba ang RTC at CA?

TAMA. Ayon sa Supreme Court, ang isang tao na pumasok sa kasal na sibil pagkatapos ay magpapalit ng relihiyon at sasapi sa Islam na magpapakasal kahit nandiyan pa ang unang kasal ay walang pag-aalinlangan na nagkasala sa krimen ng bigamy. Gayundin ang kanyang naging asawa sa pangalawang kasal. Ang pagpapalit ng relihiyon ay hindi sapat para makatakas sila sa pananagutan sa batas. Ang lahat ng sirkumstansiya, insidente at kahahantungan ng unang kasal ni Fred kay Naty ay pasok sa batas (Civil Code). Nakalagay din sa Muslim Code (Art. 13 (2) na Civil Code ang dapat masunod sa kasal ng kahit sino basta hindi muslim ang isa at hindi sila dumaan sa ritwal ng kasal ng mga muslim.

Kahit pa nagpalit ng relihiyon si Fred sa Islam bago o pagkatapos ng kanyang pangalawang kasal ay hindi na mahalaga dahil nagawa na nila ang krimen ng bigamy. Hindi siya papa­yagan na gamitin ang Art. 180 ng Muslim Code dahil nga umiiral pa ang kasal niya kay Naty. Hindi papayagan ng korte ang ganitong pagpapalusot para makaiwas sa batas sa ngalan ng pagrespeto sa kultura.

Kaya napatunayan na nagkasala sina Fred at Lina, ang hatol sa kanila ay pagkakulong ng dalawang taon, apat na buwan, bilang­ pinakamaikli, hanggang walong taon at 1 araw, ang pinaka­matagal (Malaki and Salamatin-Malaki vs. People of the Philippines, G.R. 221075, November 15, 2021).

IGLESIA NI CRISTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with