^

PSN Opinyon

Ingrown toenail; Balbas, maraming mikrobyo

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ang ingrown toenail ay ang pagtubo ng malambot na balat sa gilid ng hinlalaki sa paa. Ang resulta nito ay masakit, mapula, namamaga sa palibot ng kuko at kung minsan ay mayroong impeksyon.

Dahil ito sa maling pagtubo o pag-usbong ng kuko kung saan nagsusugat ang balat ng paa. Puwede itong mag­mula sa pagsuot ng masikip na sapatos, paggupit ng kuko ng sobrang ikli o hindi pantay, at nasobrahan ng gupit ng kuko sa pedicure.

Kung hindi gagamutin ang ingrown, ang balat ng daliri at pati ang buto ay maaaring maimpeksyon.

Maaaring gamutin ang ingrown toenail. Heto ang mga gagawin:

1. Ibabad ang paa sa maligamgam na tubig na may halong asin. Sa bawat isang palangganang tubig maglagay ng 1 kutsaritang asin. Ibabad ang paa ng 15-20 mi­nuto 3 beses kada araw. Ang pagbabad sa tubig ay nakababawas ng pamamaga at nakapagpapaginhawa sa sakit.

2. Maglagay ng cotton o tela sa ilalim ng daliri sa paa. Gumamit ng malinis na bulak o dental floss sa ilalim ng ingrown pagkatapos ibabad sa tubig na may asin. Makatutulong ito para ang kuko ay tumubo sa ibabaw ng gilid ng balat, at hindi pumasok ulit sa balat. Palitan ang bulak o floss araw-araw hanggang sa mawala ang sakit at ang pamu­mula ay mawala.

3. Pahiran ng antibiotic. Maglagay ng antibiotic ointment­ sa sugat. Puwedeng balutan ng bandage.

4. Pumili ng malambot na sapatos o tsinelas. Magsuot muna pansamantala ng sapatos na bukas ang harapan o sandals hanggang sa gumaling ang daliri sa paa.

5. Bantayan ang mga paa. Kung mayroong diabetes, i-check ang mga paa araw-araw dahil ang ingrown at iba pang sugat sa paa, ay maaaring senyales ng diabetes.

Kung ang ingrown ay sobrang sakit o kumakalat ang sugat, ang iyong doktor ay maaaring gumawa ng mga hakbang para guminhawa ang pakiramdam at maiwasan ang kumplikasyon.

Ang balbas ay maramng mikrobyo

Karamihan sa mga lalaking may balbas ay ipinapalagay na mas kaakit-akit sa mga kababaihan. Ngunit ayon sa pag-aaral sa Switzerland, ang balbas ay nagdadala ng maraming mikrobyo.

Ayon sa naturang pag-aaral, ang lahat ng 18 lalaki ay nakitaang may mataas na bilang ng bacteria o mikrobyo sa kanilang balbas. Sa katunayan, pito sa 18 lalaki ay nagtataglay ng matinding bacteria sa balbas na puwedeng magdulot ng seryosong sakit.

Narito ang aking mga payo:

1. Puwede namang ahitin ang balbas para mas malinis at hindi rin makahawa ng ibang tao, bata o baby.

2. Ngunit kung gustong panatilihin ang balbas, dapat ay hugasan ang balbas gamit ang tubig at shampoo gaya ng kung paano natin hinuhugasan ang ating buhok.

3. Maaari ring gumamit ng mga produktong nangangalaga sa balbas para mas maging komportable.

Kaya sa mga kalalakihan, kung kayo ay nalilito kung dapat bang ahitin o hindi ang balbas, ang sagot ay: Ahitin na lang para mas malinis at guwapo.

INGROWN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with