^

PSN Opinyon

Mga payo para mabawasan ang pagdighay at maiwasan ang kabag

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ang pagdighay (burping or belching) ay paraan ng katawan para ilabas ang sobrang hangin sa loob ng tiyan.

Nakalulunok tayo ng sobrang hangin kung mabilis kumain at uminom, nagsasalita habang kumakain, umiinom ng mga soft drinks o umiinom gamit ang straw. May ilang tao na nakahihigop ng hangin sa tuwing ninenerbiyos.

Ang hindi natunawan (indegstion) at heartburn ay ma­­aaring malunasan ng pag-dighay.

Mga dapat gawin para mabawasan ang pagdighay:

• Kumain at uminom ng dahan-dahan. Huwag magmadali para maiwasang mabulunan. Limitahan ang pag-inom gamit ang straw.

• Itigil ang pag-inom ng carbonated na inumin gaya ng softdrinks at beer, dahil naglalabas ito ng carbon dio­xide.

• Iwasan ang chewing gum o pagsipsip ng matigas na candy.

• Huwag manigarilyo.

• Ang pagbawas sa stress ay maaaring mapigilan ang nerbyos. Para mabawasan ang habit ng paglunok ng hangin.

• I-check ang sukat ng pustiso. Kung hindi tama ang sukat maaaring maging dahilan para makalunok ng hangin habang kumakain.

• Iwasan humiga agad pagkatapos kumain. Mag­lakad-lakad muna para bumaba ang kinain at maiwasan ang heartburn.

Paano maiiwasan ang kabag

Kapag ang hangin ay hindi nailabas ng pag-dighay at pag-utot, ito ay mabubuo sa tiyan at bituka na dahilan ng pagkakaroon ng hangin (bloating). Ang sakit ng tiyan ay maaaring hindi masyadong masakit o kaya naman ay matigas at sobrang sakit ito ay nangyayari kung mahangin ang tiyan o may kabag. Kung maaalis ang hangin ay mawawala ang sakit. Kaugnay din dito ang LBM at lactose intolerance. Ang pagkain ng matataba at mga pagkain na nakapagbibigay ng hangin sa ating tiyan  gaya ng beans, at iba pang gulay, ang mahangin na tiyan ay resulta rin ng stress, labis na pag-aalala at paninnigarilyo.

Mga gagawin para maiwasan ang kabag:

• Magbawas sa mamantikang pagkain. Dahil napapatagal nito ang pagtunaw ng pagkain.

• Bawasan ang mga pagkaing nagbibigay ng hangin sa tiyan. Tigil ang soft drinks. Bawasan ang beans, peas, repolyo, sibuyas, broccoli, cauliflower, pasas, prunes, bran cereals at muffins.

• Iwasan din ang pagkain ng chewing gum at matigas na kendi.

KABAG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with