Manila walang depensa kung alisin ang Sangley
Repasuhin sana ang pinaplanong Sangley Point International Airport sa Cavite. Para maitayo ang SPIA, palalayasin ang Philippine Navy mula sa base nila roon, Nauna nang inalis ang katabing Air Force base nu’ng Peb, nang ilipat ang hangars ng pribadong maliliit na eroplano mula sa Manila International Aiport. Kapag pati Navy ay tanggalin, mawawalan ng depensa ang Manila, mahuhubaran ang sentro ng gobyerno.
Sangley Point ang pangunahing daungan ng Philippine Fleet. Hindi lang mga barkong pandigma ang patatalsikin ng construction ng SPIA. Lalansagin din ang pinaka-malaking pasilidad ng pag-repair at mentena ng barko, imbakan ng petrolyo at armas, at mga serbisyong panuporta sa fleet. Sampung kilometro lang tawid ng Manila Bay ang Sangley sa pambansang capital. Ang mga espesyalistang sangay ng Navy na nakabase sa Sangley – air squadron, sealift, commandos, engineering, communications, atbp. – ay ikakalat malayo sa Manila.
Strategic ang lokasyon at misyon ng Sangley naval base. Ang dagat ay nasa magkabilang panig ng pahabang lupa sa dulong timog ng Manila Bay. Kaya staging point ito ng mga puwersang pamprotekta sa Bay area, Altermatibong command center ito ng Navy sakaling maparalisa ang headquarters sa bayside Roxas Boulevard, Manila, halimbawa ng lindol. Bilang bahgai ng depensa sa sentro ng gobyerno, nakatanod sa Sangley ang mga special warfare units at kagamitan. Lahat ‘yan mawawala kapag hindi repasuhin ang pagtayo ng SPIA.
Hindi sila kinunsulta sa pagplano ng SPIA, anang Navy. Nagpa-bidding bigla ang Cavite provincial government. Nabalitaan na lang ng Navy na may kinontrata nang China state firm. (Itutuloy bukas)
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).
- Latest