Utot nang utot: Mahangin ang tiyan
Karamihan sa hangin sa ating tiyan (flatus) ay mula sa malaking bituka (colon).
Ang utot ay nabubuo dahil sa fermentation ng hindi natunaw na pagkain, gaya ng fiber ng gulay.
Ang utot ay nabubuo kapag ang iyong digestive system ay hindi pa lubusang natutunaw ang pagkain.
Ang iba pang pinagmumulan ng utot ay ang pagbabago ng intestinal bacteria dahil sa gamot, paglunok ng hangin, at pag-titibi (constipation).
Mga payo para mabawasan ang sobrang hangin sa tiyan:
1. Bawasan ang mga pagkaing nagpapautot sa iyo gaya ng beans, peas, pasas at prunes.
2. Mainam kung babawasan din ang pagkain ng mga gulay gaya ng repolyo, sibuyas, broccoli at cauliflower.
3. Limitahan din ang pagkain ng bran cereals at muffins.
4. Hindi naman ibig sabihin nito ay tanggalin lahat ang mga nabanggit sa itaas sa iyong mga kakainin. ‘Yun lamang sobrang nakasasama sa iyo ang bawasang kainin.
5. Itigil ang pag-inom ng soft drinks.
6. Pansamantalang itigil muna ang mga pagkaing mataas sa high fiber. Ibalik na lang ito pakonti-konti paglipas ng ilang linggo.
7. Umiwas sa mamantikang pagkain. Mabagal ang pagtunaw ng mantika at taba.
8. Kumain nang mabagal. Ang pagkain ng mabilis ay nakasasama sa pagtunaw o digestion natin.
9. Ugaliing mag-ehersisyo.
10. May pakinabang ang paglalakad-lakad sandali para bumaba ang iyong kinain.
- Latest