Makati City, kinilala dahil sa better na serbisyo publiko! (Part 1)
Mga Proud Makatizens, buong galak kong ibinabahagi sa inyo ang tatlong mahahalagang pagkilala na natanggap ng ating lungsod kamakailan.
Ang mga parangal na ito ay patunay ng ating sama-samang pagsisikap upang itaguyod ang kaunlaran at kaginhawaan para sa bawat isa.
Una, ginawaran tayo ng Securities and Exchange Commission (SEC) ng Plaque of Recognition dahil sa ating mahalagang kontribusyon sa transparency at pagpapaunlad ng Philippine capital markets.
Isang inspirasyon ito para sa patuloy na pagpapalakas ng business sector sa ekonomiya ng lungsod.
Pangalawa, meron tayong Plaque of Appreciation mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) para sa mga inisyatibang nagbibigay ng disenteng trabaho sa ating mga kababayan.
Ang pagkilalang ito ay sumasalamin sa ating layunin na mapabuti ang kalidad ng buhay ng bawat Makatizen.
Pangatlo, pinarangalan din ang PESO Makati City dahil sa kanilang dedikasyon sa employment facilitation programs at career development.
Ang kanilang suporta sa career counseling at vocational training ay malaking tulong sa mga naghahanap ng mas maayos na oportunidad.
* * *
Nais kong magpasalamat sa inyong lahat sa walang sawang suporta at tiwala. Nawa’y ang diwa ng Pasko ay magdala ng pag-asa, pagmamahalan, at kapayapaan sa bawat tahanan sa Makati. Sama-sama nating ipagdiwang ang tagumpay ng ating lungsod at ang biyaya ng pagkakaisa.
Mula sa akin at sa buong pamahalaang lungsod, Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon!
- Latest