^

PSN Opinyon

Unang problema: transportasyon

K KA LANG - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Transportasyon para sa masa ang sakit ng ulo ngayon ng mga opisyal ng gobyerno. Nakita nila ang gulo, kalituhan at kakulangan ng masasakyan noong Lunes, unang araw ng GCQ. Ganado man pumasok ang mga empleyado marami ang walang masakyan at kung meron man, hindi na nasunod ang social distancing. Kulang ang mga bus na bumaybay ng EDSA dahil hindi naman puno at apat na istasyon muna ang itinakda mula North Ave. hanggang Taft para magbaba at magsakay ng pasahero. Umandar na nga ang MRT/LRT pero iilan lang ang pasahero ng mga bagon. Hindi pa rin pinayagang bumiyahe ang mga jeepney. Sa Hunyo 21 pa lang papayagan ang mga modernong jeepney lang. Mukhang walang balita kung papayagan ang mga karaniwang jeepney na nakikiusap na. Halos tatlong buwan na rin silang walang hanapbuhay. Sakit ng ulo talaga.

Tila masamang gising ang naganap noong Lunes. Maraming adjustment ang tiyak na gagawin kung mapaplantsa ang mga gusot. May panukala na kailangang dagdagan pa ang bilang ng mga bus sa EDSA dahil binawasan ang lamang pasahero pero kung trapik na nga noon paano pa kaya ngayon? Mabanggit ko na rin na hindi na makakahinto ang mga bus kung saan-saan. Nakatakda na ang 16 na hihintuan. Tinapat sa mga istasyon ng MRT para makatawid ang mga pasahero sa kabila ng EDSA. Hindi nga naman puwedeng patawirin na lang.

Mukhang tinutulad na rin sa sistema ng maraming bansa kung saan nakatakda ang mga hihintuan lamang ng bus. Sa Pilipinas nga lang yata ang sistema ng mga pampublikong sasakyan kung saan mahahatid ka kahit saan. Baka panahon na para mabago ito. Pero magagawa lang iyan kung maayos ang imprastraktrura na sa ngayon ay kulang na kulang. Naantala pa naman ang lahat ng proyekto dahil sa COVID-19.

Sa Hunyo 21 ang ikalawang bahagi ng plano ng MMDA para sa mga pampublikong transportasyon. Dito tiyak na magkakagulo na nang husto, partikular sa mga ruta maliban sa EDSA. Pansamantala lang daw ang mga problema ayon sa kalihim ng transportasyon. Babantayan natin.

TRANSPORTASYON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with