^

PSN Opinyon

Kadiri si Atorni (Part 1)

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

KAILANGAN na sumunod sa pinakamataas na antas ng moralidad ang isang abogado. Ayon sa Canons of Professional Responsibility, ang isang abogado ay hindi dapat gumawa ng anumang immoral o nakakaiskandalo na ikasisira hindi lang ng kanyang pangalan kundi ng propesyong kanyang kinabibilangan maging ito man ay sa personal niyang buhay o bilang isang abogado. Ano nga ba ang maituturing na immoral na gawain? Ang abandonahin ba ang asawa para makisama sa kabit ay basehan na para matanggalan ng lisensiya ang isang abogado? Ang mga tanong na ito ang sasagutin sa kaso ng mag-asawang Greg at Linda.

Mag-asawa sina Greg at Linda. May dalawang anak sila na sina Cherry at Andy. Negosyante si Linda samantalang abogado naman sa gobyerno si Greg. Pagkatapos makasal ng 20 taon ay nagulantang na lang si Linda sa biglang pag-aalsa balutan ni Greg dala ang kanilang kotse at ilang personal na gamit. Sa pagtatanung-tanong sa mga tauhan ni Greg sa munisipyo ay nalaman ni Linda na nagkaroon pala ng relasyon sa isang babaeng may asawa si Greg. Liza ang pangalan ng kabit ni Greg at ibinigay pa sa kanya ang address ng babae.

Kasama ang anak na si Cherry at isang pamangking lalaki, sinugod ni Linda ang bahay ng kabit ng asawa. Ang kapatid na babae ni Liza ang nakausap ni Linda na nagsabi sa kanya na ibinahay na ni Greg ang kapatid nito sa ibang subdivision. Nang gabing iyon, natunton ng mag-ina ang nilipatan ni Greg. Nang komprontahin ay todo tanggi pa ang lalaki sa ginawa. Kahit anong pakiusap ni Linda na huwag ibahay ng mister ang kabit ay nagpatuloy ito sa bawal na relasyon.

Matapos kumpirmahin ni Linda mula sa isang private investigator na binayaran niya para siguraduhin na totoong may relasyon ang dalawa at pinatunayan mismo ito ng isang kapitbahay nila sa subdivision ay nagsampa ng reklamo sa OMB (Office of the Ombudsman) si Linda para sa kasong imoralidad. Sumulat din siya sa opisina ng Presidente ng Pilipinas na nagpadala naman nito sa IBP (Office of the Bar Confidant – Integrated Bar of the Philippines).

Upang patunayan ang kanyang reklamo, nagsumite si Linda ng mga salaysay mula sa kanyang anak na si Cherry, ang kapitbahay ng asawa sa subdivision kung saan sila nakatira ng kalaguyo pati ng imbestigador na kanyang inupahan. Pinatunayan ng detective na nakaparada lagi ang kotse ni Greg sa bagong tinitirhan ni Liza at madalas siyang makitang kausap ng babae na minsan ay nakahubad baro pa. (Itutuloy)

vuukle comment

ABOGADO

ATTORNEY

CANONS OF PROFESSIONAL RESPONSIBILITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with