^

PSN Opinyon

Ginto o pilak?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MATATAWA ka talaga. Magkano ang presyo ng paborito ninyong pang-ahit? Siguro hindi lalampas ng P500. Mahal na nga iyan. Ang mga karaniwang patapon na pang-ahit ay wala pa yatang P20. Kung ang nais ay pang-ahit na itinatapon lang ang mga talim, siguro higit P100. Kung sabihin ko sa inyo na may pang-ahit na higit P1,800, sigurado nais ninyong makita iyan. Ano naman ang sasabihin ninyo kung ipagagamit lang sa mga mag-aaral?

Ito ngayon ang lumulutang na isyu sa DepEd Northern Mindanao, na lumabas na sa pahayagan. May dineliber ang isang kompanya, mula Davao, ng 13 pang-ahit, na nagkakahalaga ng P24,414. Kayo na ang magkuwenta kung magkano lumalabas ang isa. Hindi ko alam kung nagkamali lang ang suplayer, at kulang ang dineliber. Pero kung ito na nga iyon, lalabas na higit P1,800 ang isang pang-ahit, na gagamitin lang ng mga mag-aaral. Baka gawa sa ginto o pilak?

Ayon kay Allan Farnazo, DepEd regional director, wala naman daw nakikitang anomalya sa bidding ng mga pang-ahit. Tila naghuhugas pa nga ng kamay dahil mula sa DepEd Manila naman daw nanggaling ang lahat ng requirements. Sila lang daw ang nangasiwa ng bidding para sa nasabing gamit. Kung sila ang nangasiwa ng bidding, hindi tumaas ang kilay nila sa presyo ng isang pang-ahit? Hindi sila nagtaka kung bakit higit isanglibong piso ang isang pang-ahit? Karaniwan lang ba ang presyong iyan sa Mindanao? Para kay Farnazo, kung maayos lahat, hindi na isyu ang presyo? 

Marami ang kailangang magpaliwanag dito. Ang DepEd sa Manila, sa Mindanao, ang suplayer. Dapat pumasok na rin ang COA, kung nararapat. Hindi pa naman daw nababayaran ang suplayer mula Davao hangga’t sabihin ng paaralan na gagamit ng mga pang-ahit na maayos lahat. Ah, hindi pala isyu ang presyo kung ganun. Sabihin lang ng paaralan na oo, mga pang-ahit nga ang dineliber, at nag-aahit naman ng balbas, bayad na ang suplayer? Dapat siguro malaman kung may iba pang mga kagamitan na kinailangan ng DepEd na ubod ng mahal nabili. Maliban na lang kung sasabihin na mura na iyan, dahil dumaan naman sa maayos na bidding.

DEPARTMENT OF EDUCATION (DEPED)

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with