^

PSN Opinyon

‘Continuity o change?’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

KULANG pa ba ang anim na taon sa administrasyong Aquino?

Ito rin mismo ang ibinato kong tanong kay presi­dential aspirant ng Liberal Party na si Mar Roxas noong Lunes sa isang round table discussion sa TV5.

Ilang buwan na lang kasi ang natitira matatapos na ang termino ni Pangulong Noy Aquino. Subalit, sa di­nami-dami ng mga inilatag na proyekto partikular sa sektor ng transportasyon, halos lahat nakatengga pa.

Sa 59 infrastructure projects na nasa ilalim ng programa ng gobyerno na Public Private Partnership (PPP), siyam palang ang sumailalim sa bidding process.

Sa siyam na nai-award sa mga kontratista, tatlo palang ang nasisimulan habang ang anim na proyekto nireresolba pa ang mga isyung legal sa korte. Hindi malinaw kung nasaan ang problema, sa gobyerno o sa pribadong sektor.

Ito ang mga big ticket infrastructure project tulad ng mga airport, seaport, tulay, daan, mass transport at iba pa.

Pero hindi dito naniniwala si PNoy. Ayon sa presi­dente, sobra-sobra o overflowing pa nga raw ang mga infrastructure project sa kaniyang administrasyon. Kaya nga hindi niya raw mapigilang maitanong sa sarili kung ano pang mga imprastruktura na pwedeng gawin ang hindi pa nila nagagawa.

Ang problema, taliwas ito sa mga nakikita at nararamdaman ng publiko. Sa mga residente pa lang ng Metro Manila, sa umaga pa lang nagkakawindang-windang na sa daan.

Ang Edsa kung hindi pa pinostehan ng Highway Patrol Group (HPG) mistulang mahabang parking lot sa maghapon dahil ang dapat sana’y mass transportation tulad ng Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT) kung hindi titirik ang mala-sardinas na mga bagon, tumatagas naman kapag umuulan.

Sinasabi ng Partido Liberal sa kanilang kampanya na dapat daw maipagpatuloy ang Tuwid na Daan dahil kung hindi, baka bumalik sa third world country ang Pilipinas.

Sa mga kasalukuyang natatamasa ni Juan Dela Cruz sa uring pamamalakad sa pamahalaan, ano ang pipiliin mo, pagpapatuloy ng ‘daang matuwid’ o pagbabago?

Paglilinaw lang, wala akong ini-endorso at hindi ako nangangampanya!

Para sa iba pang mga anti-crime tips, abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.

ACIRC

ANG

ANG EDSA

HIGHWAY PATROL GROUP

HINDI

ITO

JUAN DELA CRUZ

LIBERAL PARTY

LIGHT RAIL TRANSIT

MGA

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with