^

PSN Opinyon

Balasahan at koleksiyon sa MPD

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

KALAKARAN na sa hanay ng Philippine National Police na kapag bago ang hepe ang kabuntot nito ay ang balasahan sa puwesto ng mga opisyales. Ang hinagupit dito ni PNP chief Ricardo Marquez ay ang limang distrito ng kapulisan sa Metro Manila matapos na magpatumpik-tumpik sa pagtalima sa kautusan ni DILG secretary Mar Roxas na “Lambat Sibat”. Kaya umiral ang statistic performance at siyempre ang bata-bata system na akma sa panlasa ng mayors at district directors. Sa Manila Police District unang­ nagpamalas ng gilas si C/Supt. Rolando Nana nang balasahin  ang tatlong police station chief at maging ang mga Police Community Precints commanders sa unang sig­wada ng paglilinis sa kapalpakan. Sa mga mapalad na na­bigyan o nailagay sa primerang tabakuhan este puwesto ay abot langit ang tuwa subalit ang mga minalas na sinipa at nilagay sa kangkungan todo hinagpis at tuliro sa kahahanap ng padrino na magsasalba sa kamalasang sinapit. Hehehe!

Ngunit kung ang Manilenos ang tatanungin tama lamang itong naging hakbang ni Nana dahil ang ilang kapit-tuko na opisyales sa MPD na namahay nang mahigit da­la­wang taon sa puwesto ay wala namang accomplishment sa paghahabol sa mga kriminal at drugs offenders na maipagmalaki sa kapwa nila opisyales. Idagdag ko pa ang malam­yang kampanya laban sa mga ipinagbabawal na bookies ng horse racing, lotteng, ending, jueteng, video karera/fruit games machine at putahan dahil pasok na sa bulsa ang mga padulas na limpak-limpak na datung ng mga lord of vices. Kaya ang ilang nasipa malaking kayamanan ang nawala sa kanilang “tampipi” Hehehe! Tama ang kasabihan ni Manila mayor Joseph “Erap” Estrada na weather-weather lang. Get n’yo mga suki! Ngunit malaking hamon itong pagbalasa ni Nana sa bakuran ng MPD kasi nga patuloy pa rin ang pangungulekta ng mga trusted man ng mga opisyales na nasa puwesto.

At para sa kaalaman mo Gen. Nana narito ang mga listahang ipinaabot sa akin ng concerned citizen na patuloy pa rin sa pangungulekta ng datung sa illegal vices operators. Imbis kasi na sawatain sila pa ang nagbibigay ng proteksyon. Sa District Special Operation Unit na hawak ni C/Insp. Jesus Respes inginuso sa akin sina SPO2 Casim, SPO2 Soqui at SPO2 Ching na may alam sa kalakaran P800k ng mga sugalan at putahan. Ang opisina ng MASA na pinamumunuan ni CInsp. Bernabe Irenco ay nanghaharibas sina Doming Alaide, Joel Aquino at Salazar na umaabot sa P800k kada buwan. Sa teritoryo ni Supt. Redentor Ulsano nakatrangko si Paknoy, bukod umano sa pagiging “bagman “ nito sangkaterbang video karera rin ang kanyang ipinakalat sa buong Tondo. O hayan Gen. Nana sir, pauna ko palang iyan na dapat mong harapin at uriratin dahil kapagnagpabaya ka tiyak na hihilahin ka nila sa kumunoy.

Samantala bilib din naman ako sa kamandag nitong Pergalan Queen ng Maynila na si Maressa, mantakin n’yo mga suki na noong Sabado Agusto 15 pinatiklop ni Supt. Mannam Maurip ang color games nito sa Soleda Street sa Sampaloc subalit makalipas lamang ng ilang araw, nakapaglatag naman muli sa may Fajardo Street na hindi namamalayan ng kapulisan. Ang Paraiso ng mga kabataan sa Pedro Gil Street, Sta Ana, Manila ay pinagpipistahan din ang mga inilatag nitong lamesa ng color games, talagang magaling itong magtago sa mga hao shiao na Media ng MPD ano mga suki! Calling NCRPO chief Joel Pagdilao, pakihambalos po ang pergalan ni Maressa nang mapawi ang hinala ng Manilenos na nakikinabang dito si Nana. Abangan!

ACIRC

ANG

ANG PARAISO

BERNABE IRENCO

DOMING ALAIDE

FAJARDO STREET

HEHEHE

JESUS RESPES

JOEL AQUINO

JOEL PAGDILAO

MGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with