^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Salamat at kinondena ang mga corrupt

Pilipino Star Ngayon

PAALIS na si Pope Francis ngayong araw na ito. Limang araw siyang nanatili sa bansa at naging mabunga ang kanyang pagbisita. Panguna-hing dahilan nang pagtungo rito ng Papa ay para makita at madamayan ang mga naging biktima ng Bagyong Yolanda. Noong Sabado, tinupad ng Papa ang pangako nang magtungo sa Tacloban City at Palo. Ang dalawang lugar ay kabilang sa mga grabeng sinalanta ng Yolanda noong Nob. 8, 2013 na ikinamatay ng 7,000 tao. Hanggang ngayon, hindi pa lubusang nakakabangon ang mga biktima. Marami pa rin sa kanila ang nakatira sa bunkhouses at ang ilan ay patuloy na naghihintay ng awa sa pamahalaan. Kung kailan matatapos ang paghihirap ng mga biktima ng Yolanda ay walang makapagsabi.

Kahit paano, ang pagdalaw ni Pope Francis sa Tacloban at Palo ay nakapagdulot ng kasiyahan sa mga biktima. Kahit paano, pansamantala nilang nalimutan ang masaklap na karanasan sapagkat nasilayan nila ang taong may puso para sa mahihirap. Sabi nga ng ilan na hindi gaanong nakita nang malapitan ang Santo Papa, maligaya na rin sila sapagkat napatunayan nilang mayroon itong pagmamahal sa mga dukhang katulad nila. Ang iba kahit daw makita lang nila ang sasakyan ng Papa ay maligaya na sila. Hindi raw maipaliwanag ang kaligayahang nadama nila nang dumating ang Papa sa kanilang sinalantang lugar. Kahit daw na-ging maikli lamang ang pagbisita ng Papa dahil sa bagyo, maligaya na sila. Sapat na raw iyon.

Marami rin naman ang nagpasalamat sa Santo Papa sapagkat kinondena niya ang mga corrupt. Sabi niya nang mag-courtesy call kay President Noynoy Aquino noong Biyernes (Enero 16), nararapat itakwil ang anumang uri ng corruption. Ang corruption ang dahilan kaya marami ang naghihirap. Nauubos ang salapi ng bayan dahil sa katakawan at walang ibang apektado kundi ang mga dukha. Naiparating ni Pope Francis ang mensahe sa mapagsamantala at nawa, makonsensiya sila.

Salamat Pope Francis sa pagdalaw mo sa Pilipinas. Hindi namin malilimutan ang inihatid mong aral.

BAGYONG YOLANDA

KAHIT

MARAMI

NOONG SABADO

PALO

PAPA

POPE FRANCIS

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

SANTO PAPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with