^

PSN Opinyon

Mobile patrol car

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

HANGGANG kailan kaya matatagalan ni Manila Police District director CSupt. Rolando Asuncion ang hamon sa kanyang katauhan gayon mayroon palang nakikinabang sa dapat na pagkakakitaan ng MPD. Kasi nga palaging napupuna ng mga turista na tanging ang MPD lamang ang kakarampot ang mobile patrol car  na nagpapatrulya sa mga lansangan na kung mayroon man ay titigok-tigok at bulok-bulok pa. Dati kasi abot langit ang paghanga ng mga dayuhan sa MPD dahil magagara at makikinang ang mga mobile patrol car kasama na riyan ang magaga­ling na mga kapulisan sa pagpapatrulya sa kalye. Suba­lit ngayon mukhang milya-milya na ang inangat ng 4 na distrito ng kapulisan sa Metro Manila. Kasi nga ayon sa aking mga nakausap, inubos ng isang retired general ang lahat ng pinagkikitaan ng MPD. Katulad na lamang sa income ng police clearance na sa tantiya ng aking kausap umabot sa P80,000 kada araw, noon kasi ang bayarin sa clearance ay P20.00 pa lamang ay pumapasok na ito sa Finance  Division ng MPD, subalit ngayon na umabot na sa P130.00 ni isang kusing ay wala ng napupunta sa kaban ng MPD. Ay ano ba yan!

Mukhang ang nagpapasasa lamang sa kinikita ng police clearance ay itong si retired general na kaibigang matalik ni Mayor Joseph “Erap” Estrada. Hehehe! Hindi lamang iyan mga suki dahil ayon pa sa aking mga nakausap ang milyones na donasyon ng Pagcor ay naibulsa na rin ni retired general. Malinaw na kahit na alikabok pala ng datung na panggasolina at pang-maintainance ng MPD ay ibinulsa pa. Calling Commission on Audit, pakiimbestigahan nga itong reklamo na ipinarating sa akin hinggil sa police clearance at Pagcor donation ng MPD nang malaman kung kanino talaga napunta ang pera. Kasi nga ngayon na palaging tampulan ng kantiyaw ang MPD sa lahat ng kapulisan sa Metro Manila dahil sa kakarag-karag at titigok-tigok na mga mobile patrol cars tiyak na may mananagot dito. Dahil kung patuloy itong pambabaraso ng isang retired general sa pondong dapat maipasakamay ng MPD tiyak na mamaho ang MPD heaquarters sa hinaharap.

Subalit saludo ako sa katatagan nitong si Asuncion dahil kahit na wala siyang nahahawakang Datung ay matigas pa rin ang kanyang paninindigan sa “no take” policy ng PNP. Tablada kasi ang lahat ng mga illegal na sugal sa Maynila. Ngunit kahit maubos ang lahat nang kapulisan niya sa pagka-relieve sa puwesto matapos na mahulihan ng sugal ng DSOU ay namamayagpag pa rin pala itong si SPO4 Elmer Gaa sa pagkolekta sa video karera at fruit games, ayon yan sa kausap ko mismo na taga Manila City Hall. Umabot pala sa P70,000 ang weekly na nakukolekta ni Gaa mula kina Gina at Romy Gutierrez, Paknoy at ilang video operator sa kaharian ni Erap. Kahit na itanong pa  ninyo yan kina SPO1 Ricardo Zshornack, PO3 Ramil Carel,  PO3 Alfredo Fabian, PO3 Oscar  Vargas at PO2 Rammel Medina na kari-relieve pa lamang nila sa PS-8. Ewan ko lang kung kayang banggain ni Asuncion si Gaa na bata umano ni retired general. Abangan!

 

ALFREDO FABIAN

ASUNCION

CALLING COMMISSION

ELMER GAA

ERAP

KASI

METRO MANILA

MPD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with