^

PSN Opinyon

Korek si Napoles!

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

FOR the first time, aprub na aprub sa akin ang sinabi ni Janet Lim Napoles, ang sinasabing mastermind sa P10-bilyong “pork barrel” scam.

Aniya, yung mga mambabatas na walang kasalanan ay hindi dapat mangamba kahit pa sila tinutukoy sa listahang umano’y ibinahagi niya kay Justice Sec. Leila de Lima.

Ang statement ni Napoles ay ibinahagi sa media ng kanyang abogadong si Bruce  Rivera. Hindi pa ibinubunyag sa publiko ang talaan ng mga sinasabing sangkot sa scam pero bakit marami nang umaaray? Lumilitaw din na tila marami ring kaalyado ang administrasyon sa talaan.

Anuman ito, pihong nagagalak ang mga pangunahing senador na inaakusahan sa eskandalo: Sina Senador Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Ramon “Bong” Revilla. May kasabihan sa Inggles na “Misery loves company.”

Mayroong hindi pa nga pinapangalanan ay nagsasabi nang hindi sila kasali diyan. Marami ring umaalma na dapat nang isapubliko ang talaan para malinis nila ang pangalan nila sakali man at nadadawit sila.

Kung ako ay isang Representante o Senador na nasa talaan at alam ko’ng wala akong kasalanan, bakit ako mangangamba?

Ang taong walang kasalanan ay siguradong makalulusot dahil mapapatunayan naman niya ang kanyang pagiging inosente kahit pa gawan sila ng mga pekeng ebidensya.

Ipa-analyze lang sa fingerprint expert ang mga dokumentong sinasabing pinirmahan nila ay mapapatunayan kung sa kanila nga.

Wala pang official disclosure bagamat ang publiko ay na­bigyan na ng ideya kung sinu-sino ang mga taong nakalista sa talaan ni Napoles na hindi lamang pala si de Lima ang binigyan kundi may iba pang personalidad tulad nina dating Senador Ping Lacson at pati ang whistleblower na si Sandra Cam.

Ibinigay daw ito ng kaanak ni Napoles upang tiyaking hindi masa-sanitize ng administrasyon ang listahan. Baka nga naman may mga taong kaalyado ng administrasyon ang bigla na lang mabura.

vuukle comment

ANIYA

ANUMAN

JINGGOY ESTRADA

JUSTICE SEC

NAPOLES

SANDRA CAM

SENADOR PING LACSON

SINA SENADOR JUAN PONCE ENRILE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with