“ ‘Joyce Jimenez’ nakulong!” (Ikalawang Bahagi)
MGA BAGAY na mula pagkabata’y nakikita mo…iniisip na sa pagdating ng panahon sa sariling mga palad ito babagsak. Hindi mo napapansin na may iba na nag-aantay upang tabigin ang iyong kamay para sa kanila ito mapunta.
NUONG nakaraang BIYERNES, naisulat namin ang paglabas ni Joyce Jimenez-Baron sa kulungan, 34 na taong gulang matapos na maakusahan siyang kakuntsaba na pumatay sa kanyang ama, na si Atty. Miguel Jimenez, adviser nung presidente pa raw si Joseph Estrada.
Napag-alaman niyang kinuha na umano ng tiyuhin niyang si Espiridion “Pidyong†Jimenez, kapatid ng kanyang ama ang lahat ng pag-aari nito. Ang apat na titulo ng lupa, ang kotse at ito na ang gumagalaw ng bank accounts ni Miguel sa iba’t-ibang bangko.
“Walang natira sa ‘kin. Paano ako magsisimula, galing akong kulungan at walang trabaho. Pati insurance ng daddy ko siya ang nakinabang. Pitong daang libong piso yun,†pahayag ni Joyce.
Aminado si Joyce na naging suwail siyang anak. Ngunit idinidiin niya na wala siyang kasalanan at may karapatan siya sa mga naiwan ng ama.
Kahit isang kusing wala siya sa kanyang mga kamay kaya naisip niyang asikasuhin ang pagbawi sa mga ari-arian ng kanyang ama.
Nang malaman ito ni Pidyong ‘Annulment of Title and Injunction with Prayer for Preliminary Injunction’ ang inihain nito laban kay Joyce sa Regional Trial Court noong Marso 4, 2013.
Ayon sa kanyang reklamo siya ay ang kapatid at tanging tagapagmana ng namatay na si Miguel Jimenez. Si Miguel ay walang anak sa kanyang asawa o sa ibang babae.
Ito ang naatasan sa pag-aayos ng ari-arian nilang magkakapatid na namana nila sa kanilang ama. Hindi naibigay ni Miguel ang kabuuang parte ni Pidyong na nagkakahalaga ng dalawang milyong piso.
Taong 2003 humingi si Pidyong ng apat na daang libong piso kay Miguel na maaaring ibawas sa dalawang milyon.
“Hiniling niya na humanap ako ng mapagsasanglaan ng titulo,†ayon sa salaysay. At doon nila nakilala si Alfredo Quilao na pumapayag na tanggapin ang titulo para i-garantiya ang apat na raang pisong ibinigay.
Noong Marso 2013, nang bisitahin niya ang lupa nakita niyang malaki na ang pagbabago nito. Wala umanong karapatan si Joyce na humiling para mabigyan ng bagong owner’s duplicate copy ng Transfer Certificate Title (TCT).
Ang nakalagay na ito sa reklamo ni Pidyong na walang anak si Miguel ay nagbigay sa amin ng kaguluhan dahil nasa aming harapan ang isang ginang na nagpapakilalang unica hija ni Miguel Jimenez at may dala pang Certificate of Live Birth.
Late registration, isa ito sa mga nakalagay sa hawak niyang dokumento. Ipinanganak siya noong ika-11 ng Oktubre 1980 at ini-rehistro noong ika-tatlo ng Hunyo 1985.
Tinanong namin si Joyce kung ano ang katotohanan. Inamin niya sa amin na siya’y anak sa ibang babae ng kanyang ama at pumayag ang asawa nitong si Crisanta na siya’y ampunin.
“Nakapangalan na sa akin ang isang titulo. Ang hinahabol ko ay ang ilan pang ari-arian ng daddy ko. Pati ang pera niya sa bangko na kinuha ng tiyuhin ko,†wika ni Joyce.
Dagdag pa ni Joyce hindi niya makausap at malapitan si Pidyong dahil natatakot siya sa maaari nitong gawin.
“Bawat kilos ko alam niya marami kasi siyang kakilala sa Bacoor. Ang gusto ko lang naman makuha ang talagang akin,†pahayag ni Joyce.
Ang isa sa gustong makuha ni Joyce ay ang resort ng kanilang pamilya na nasa Bacoor na nasa halagang sampung milyong piso.
Nais niyang malaman kung ano ang kanyang karapatan sa naiwan ng kanyang amang si Miguel kaya siya nagtungo sa aming tanggapan.
Itinampok namin sa aming programang “CALVENTO FILES†sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat†ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 3:00pm-4:00pm at Sabado 11:00am-12nn) ang kwentong ito ni Joyce
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, ipinaliwanag namin kay Joyce ang kanyang mga karapatan.
Batay sa Family Code, kalahati ng parte ng ‘legitimate child’ ang dapat makuha ng isang ‘illegitimate child’. Kung walang anak yung namatay sa magulang mapupunta. Kung wala na rin mga magulang sa mga kapatid o yung tinatawag na ‘collateral relatives’ ang magiging kahati niya.
Minungkahi namin na ilabas na niya ang katotohanan upang makaiwas sa ‘extra judicial expenses’ at magkaroon kayo ng ‘amicable settlement.
Tungkol naman birth certificate ni Joyce baka magkaroon ng question, ‘cloud of doubt’ at ‘inconsistency’ dahil nakalagay doon na anak siya nina Miguel at asawa nitong si Crisanta.
Ayon kay Pidyong walang anak ang kanyang kapatid. Bakit din naman matapos ang limang taon bago nirehistro si Joyce bilang anak nila?
Nagkaroon ba ng ‘Simulation of Birth’? Kung meron man walang kasalanan dun si Joyce musmos pa lang siya at hindi naman siya ang naglakad ng papeles.
Mahirap isipin na ang isang anak ay kakayaning gawan ng masama ang kanyang mga magulang.
Sa sitwasyon ni Joyce, siya’y napalaya at nagkaroon na siya ng ‘Acquittal’ at ‘Trial on the Merit’.
Ang aming ipinagtataka ay bakit ang tungkol sa pera at ari-arian ang inilapit sa amin ni Joyce gayung merong mas malaking bagay na dapat atupagin. Ang paghuli sa kanyang asawa na pumatay sa kanyang ama. Nung una sinabi niya sa amin na may dala siyang litrato ng asawa, ngunit nang hingin na namin ito sinabi niyang naiwan niya.
Kung sakali mang lumutang itong si Boy at ituro siya bilang kasabwat, hindi na siya maaaring kasuhan dahil papasok na ‘Double Jeopardy’.
Napawalang sala na siya ng korte at ang ‘legal doctrine’ na nagsasabing walang sinumang tao ang maaaring litisin sa magkaparehong kaso.
Sa usapin naman tungkol sa mga ari-arian na gusto niyang mabawi sa tiyuhin na si Pidyong, ine-refer namin siya kay Prosecutor Romy Galvez na dating Director ng Department of Justice Action Center (DOJAC) para magabayan at mapagpayuhan siya ng mga susunod niyang hakbang. (KINALAP NI CHEN SARIGUMBA) Sa gustong dumulog sa aming tanggapan, ang aming mga numero, 09213784392 (Pauline) 09198972854 (Monique) o 09213263166 (Chen). Ang landline 6387285 at ang 24/7 hotline 7104038 o magpunta sa 5th floor CityState Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Biyernes.
Follow us on twitter: Email: [email protected]
- Latest