^

PSN Opinyon

US bases sa Pinas dapat bang ibalik?

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

KUNG opinion ng mga militanteng maka-kaliwa ang hihingin, siguradong  malaking “hindi” ang isasagot nila sa ganyang tanong.

Mukhang umiinit na naman ang usapin hinggil sa pagpapanumbalik ng mga base militar ng Amerika sa Pilipinas na inalis mahigit sa dalawang dekada na ang nakalilipas. Ito ay sa gitna ng  mga panduduro  ng ibang bansa sa atin gaya nang patuloy na presensya ng China sa karagatang saklaw ng Pilipinas. Pati nga sarili nating mangingisda ay natatakot nang magtungo sa mga lugar na kinaroroonan ng mga barko ng China.

Masaklap na marinig pa natin sa bibig ng ating mga opisyal na  maghanap na lang ang mga mangingisda natin ng ibang lugar na mapapangisdaan. Grabe!

Isa ring katotohanan na ang militar natin ay mistula lamang “tropa ng boy scouts” kung ikukumpara sa mga modernong pasilidad na pandigma ng Tsina. Si Presidente Noynoy mismo ang nagsabi noon na kahit “pitikan ng ilong” ay kayang-kaya tayong talunin ng China.

Panahon pa ni Presidente Cory Aquino nang pagtibayin ng ating Kongreso ang pag-terminate sa kontrata ng Amerika para tuluyan nang alisin ang kanilang mga base militar tulad ng nasa Subic at Clark Air Base.

Sa maliit kong pananaw, hindi na nakasalalay sa presensya ng ating “big brother” (USA) ang katatagan ng seguridad ng bansa at ng buong Timog-Silangang Asya. Marami nang nagbago sa political configuration ng daigdig.  Kahit ang Amerika ay trilyon-trilyong dollar ang utang sa China na naging economic giant ng daigdig.

Tungkol pa rin sa usaping ito, sinabi ni Senator Loren Legarda, chair ng Senate Committee on Foreign Relations na istriktong ipatutupad pa rin ang Visiting Forces Agreement sa pagitan ng Pilipinas at ng Amerika. Iyan na marahil ang pinakamalapit sa ideyang ibalik ang mga

 US bases sa bansa.

 Ngunit gaya nang nasabi   na natin, sa pagbabago ng political configuration ng da­igdig, nag-iba na rin ang prayoridad at mga patakaran ng Amerika.

Dapat din sigurong i-ad­just ng gobyerno ang mga foreign policy natin para umakma sa mga pagbabagong ito at hindi naman tayo nagmumukhang laging kinakawawa ng ating  mga kalapit na bansa.

AMERIKA

CLARK AIR BASE

FOREIGN RELATIONS

PILIPINAS

PRESIDENTE CORY AQUINO

SENATE COMMITTEE

SENATOR LOREN LEGARDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with