Limutin ang sarili at pasanin ang Krus
HINGIN natin sa Panginoon ang biyaya na Kanyang ipinagkaloob sa lahi ni David na naging mahabagin at mapanalangin tulad ng paglitaw ng bukal ng tubig na maglilinis sa ating lahat. Limutin na natin ang mga kasalanan at karumihan ng ating sambayanan.
Patuloy nating ipanalangin ang pagbabago at pagpapaunlad ng ating bayan sa tulong ng mga bagong halal. Huwag nating pabayaan na patuloy na kurakutin ang salapi ng ating bayan. Samahan natin sila sa pag-awit ng Salmo 63: “Aking kinasasabikan, Panginoon, ikaw lamang.â€
Sundin natin ang liham ni Pablo sa mga taga-Galacia na tulad ng mga Hudyo at Griyego ay tayo rin ay pagkaisahin ni Hesus. Anumang uri ng ating pagkatao, pinuno man o manggagawa ay dapat maging pantay-pantay sa ating pananalig kay Hesus. Kung tayo ay kay Hesus ay kabilang tayo sa lahi ni Abraham at tagapagmana ng mga pangako ang Diyos.
Ang lubusang pagkakilala natin kay Hesus ang ganap na magpapalakas sa ating pananampalataya at pagkakaisa sa ating pamayanan. Tinatanong tayo ni Hesus sa ating pagdiriwang ngayon. Sino siya para sa atin? Tulad ng Kanyang pagtatanong sa mga alagad: “Sino raw ako ayon sa mga taoâ€. Sabi nila, Siya si Juan Bautista, si Elias o nabuhay ang isa sa mga propeta. At nang mismo Niyang tanungin ang mga alagad: “Kayo naman, ano ang sabi ninyo?†Si Pedro ang sumagot: “Ang Mesiyas ng Diyosâ€.
Para bang tinatanong tayong mga Pilipino. Sino ang Presidente ninyo? Sa ating pagsagot ay sinasabi sa ating lahat ni Hesus na ang pamumuno sa ating bansa ay pagsunod sa Kanya. Dapat magbata ng hirap para paunlarin ang ating bayan. Sinabi ni Hesus: “Kung ibig ninumang sumunod sa akin, limutin ang ukol sa kanyang sariliâ€. Ang isang pinuno ay hindi dapat maging makasarili. Ang unahin niya ay paglilingkod sa bayan at kailanman ay hindi ka pababayaan ng Maykapal. Nawa’y matanim sa isip at puso ng mga bagong halal na ang tunay na
- Latest