^

PSN Opinyon

Iskandalo

K KA LNG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

ANO na namang kahihiyan at iskandalo ito? Ibinunyag ni Akbayan Rep. Walden Bello na may ilang mga opisyal ng Philippine Overseas Employment Office (POLO) sa Kuwait, Syria at Jordan na sangkot sa pang-aabuso at pagbugaw sa mga OFW na may problema sa mga nasabing bansa. Mabigat ang akusasyon ni Bello, na ayon sa kanya ay mapapatunayan sa pamamagitan ng testimonya ng mga biktima mismo, na sa ngayon ay takot pang lumabas sa publiko at sa media. Wala pa yata silang tiwala na sila’y mabibigyan ng proteksyon kung lumabas sila at isiwalat lahat ng kanilang karanasan, o pagdurusa sa kamay ng mga opisyal.

Hindi na kailangang sabihin na kung totoo ang paratang, nakakahiya ito sa pandaigdigang komunidad. Ang embahada ay nandiyan para magbigay ng tulong sa mga kababayang nasa ibang bansa, hindi para sila’y gawing alipin. Wala dapat kapalit ang tulong na maibibigay ng embahada sa ating mamamayan, lalo na sa mga OFW na marami nang isinasakripisyo.

Itinanggi naman ng mga pinangalanang opisyal na sila’y sangkot sa iskandalo. Paninira lang daw iyon ng mga illegal recruiter na kanilang nabigo. Tama lang na suspindihin sila at pauwiin, at harapin ang mga akusasyon sa kanila. Kung walang ginawang mali, wala silang dapat ikatakot. Pero kung may mga biktima ng nasabing iskandalo, kailangan nilang lumabas at magbigay ng salaysay. Reputasyon ng diplomatikong komunidad ng Pilipinas ang nakataya, hindi lang ang kanilang mga pangalan at trabaho. Kaya mahalaga rin na malaman ang katotohanan, kung nagaganap nga ito o hindi. Kung totoo, parusahan ang mga may sala.

Kapansin-pansin naman ang tatlong bansa kung saan nakadestino ang mga akusado. Lahat nasa Middle East, ang rehiyon na kilalang walang respeto sa mga OFW, lalo sa mga babae. Pero sa Middle East lang kaya nagaganap ang iskandalong ito, o may mga ibang embahada pang sangkot sa prostitusyon? Palawakin pa nang husto ang imbestigasyon.

AKBAYAN REP

IBINUNYAG

ITINANGGI

KUNG

MIDDLE EAST

PERO

PHILIPPINE OVERSEAS EMPLOYMENT OFFICE

WALA

WALDEN BELLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with