^

PSN Opinyon

Ang pork barrel ni Malapitan, bow

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

HAPPY si Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri, matapos sabihin ni   DBM Secretary Butch Abad na ititigil nila ang pagpapalabas ng pondo ng mga mambabatas regarding sa pork barrel.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagsalita si Abad, na dehins magpapalabas ang kanyang office ng  disbursement ngayon election dahil sinusunod nila ang Omnibus Election Code dahil from March  29 up to Mayo 13  ay ipinagbabawal sa batas na  magpalabas ng mga disbursement mula sa mga funding ng mga Kongresista kahit na ano mang proyekto nito hanggang hindi pa tapos ang election time.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang pagsasalita ni Abad ay tungkol  paggamit ng sinasabing pork barrel ni Caloocan Congressman Malapitan mula sa PDAF na nasa DSWD para gamitin nito sa pamimigay ng financial assistance kapalit ng daw boto para sa kanya dahil mayorality aspirant ito.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MIS,MO, last time ay kinatigan ni Caloocan City Regional Trial Court Judge Dionesio Sison ng Branch 125, ang inihaing petition for Temporary Restraining Order ni Mayor Echiverri at National Liga ng Barangay President Rico Judge “RJ” Echiverri na ipatigil ang pagbibigay nito ng kanyang pondo mula sa medical assistance fund na nasa DSWD.

Hindi pa dito natapos ang usapin dahil naghain ng kaso sa Ombudsman ang mga residente diyan sa Bagong Barrio versus  Rep. Oscar Malapitan.

Sa salaysay ng mga nag-reklamo nagpunta sa kanilang mga haybol ang sinasabing staff ni Malapitan na nag-alok ng tulong sa pamamagitan ng P3,000 na magmumula sa DSWD at kinuha ang pangalan ng mga ito kapalit ng pag-isyu ng tseke na ipapalit sa DSWD-Batasan.

Ang sinasabing P2,600 ay bahagi ng perang nakuha ng mga nagrereklamo sa DSWD-Batasan at tanging P400 lamang ang napunta sa mga complainant at upang hindi na maulit pa ang ginawa ng kampo ni Malapitan ay nagdesisyon ang mga ito na magreklamo.

Abangan.

ABAD

BAGONG BARRIO

BARANGAY PRESIDENT RICO JUDGE

BATASAN

CALOOCAN CITY REGIONAL TRIAL COURT JUDGE DIONESIO SISON

CALOOCAN CONGRESSMAN MALAPITAN

ECHIVERRI

MALAPITAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with