^

PSN Opinyon

FDA: Maging ligtas sa pagkain

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

MAY mga payo na ibinigay ang Food and Drugs Administration (FDA) sa pamumuno ni FDA Director General Dr. Kenneth Hartigan-Go. Si Dr. Go ay isang respetadong internist, toxicologist at public health expert.

Ayon kay Dr. Go, kailangan maging maingat ang publiko sa pagbili ng pagkain at paghahanda nito. Ito ay para makaiwas sa sakit na food poisoning at pagtatae.

Bumili ng pagkain sa mga kilalang tindahan. Hindi natin masisiguro ang kalinisan ng mga karne, hamon, at hotdog na gawa lamang sa tabi-tabi. Suriin maigi na hindi botcha at bilasang isda ang bibilhin.

Lagyan ng marka ang botelya at lalagyan ng mga sangkap ng pagkain tulad ng asin, asukal, at mantika. Lagyan din ng marka ang mga gamit pambahay tulad ng sabon, pangkula, pamatay ng insekto at gasolina. Huwag pagtabi-tabihin ang mga nasabing botelya dahil baka malagyan ng lason ang iyong pagkain.

Iwasan ang pagbili ng mga paso o expired na mga produkto. Walang katotohanan ang paniniwala na may allowance pa ng ilang buwan ang expiry date ng produkto.

Basahin maigi ang mga nakalagay sa de-lata. Dapat ay may label (Ingles o Tagalog) at malinaw ang mga nakalagay sa tatak nito. Basahin kung anong uri ito ng produkto, saan gawa at hanggang kailan ligtas na kainin.

Huwag bilhin ang mga de-latang nayupi o lumobo na dahil posibleng may maliliit na butas na ito na maaa-ring pasukan na ng mikrobyo.

Huwag ihalo ang hilaw na karne sa lutong karne. Posibleng may mikrobyo ang hilaw na karne na mapupunta sa iyong pagkain. Hugasang mabuti ang sangkalan, kutsilyo at lalagyan ng pagkain.

Maging malinis sa iyong kusina. Linisin ang mga gamit pangluto. Huwag hayaan dapuan ng mga insekto.

Hugasan ang mga gulay at prutas sa dumadaloy na tubig.

9. Lutuin maigi ang karne. Kailangan ay wala nang dugo ang makikita sa lutong karne dahil posible itong pagmulan ng mikrobyo tulad ng E. coli, salmonella at mga bulate.

10. Kapag hindi naubos ang pagkain sa loob ng 2 o 3 oras, ibalik ito sa refrigerator para hindi mapanis.

11. Huwag paulit-ulit ang pag-init ng pagkain. Kumuha lamang ng sapat na pagkain para sa iyo.

12. Maghugas ng kamay bago kumain at bago maghanda ng pagkain. Ang pagiging masinop at malinis ang pangunahing panlaban natin sa food poisoning at pagtatae.

AYON

BASAHIN

BUMILI

DR. GO

DR. KENNETH HARTIGAN-GO

DRUGS ADMINISTRATION

HUWAG

LAGYAN

PAGKAIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with