^

Metro

Content Creator na nagpapakalat ng ‘fake news’ inaresto ng NBI

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

Laban kay PBBM

MANILA, Philippines — Isang babaeng vlogger na taga-Cebu ang inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos matukoy na may kagagawan ng pagpapakalat ng maling impormasyon sa kaniyang content sa social media patungkol sa pagtutulak umano ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang legalisasyon ng narcotics o iligal na droga.

Ayon kay NBI Director Judge Jaime Santiago ang content creator na si Wendelyn Apduhan Magalso ay umamin na siya ang nag-post sa social media at sinabi niya na binago niya ang caption ng nakuha niyang post ng TV 5 tungkol sa Pangulong Marcos.

“Opo tapos inedit ko at nilagyan ko sa ibaba ng caption, para maano ako …mapansin, kasi ano. kasi para mapasahod ako…ani Magalso.

Nagbabala naman si Santiago sa iba pang mapanirang content creator at gumagawa ng fake news na seryoso ang NBI sa paghabol sa mga gumagawa ng fake news na nakasisira.

“While in the course of cyber patrolling, nakita namin ang isang vlogger na nag-post na alter na ‘yung post at may caption pa— legal na daw ang droga, grabe ka naman Marcos,”  ayon kay NBI-CEVRO regional director Rennan Oliva.

Sinabi ni Santiago na iniimbestigahan ng NBI ang iba pang vlogger, na isa sa kanila ay nahaharap sa dalawang warrant of arrest para sa cyberlibel.

NBI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->