^

Metro

Isko landslide sa Maynila

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Isko landslide sa Maynila
Former Manila mayor Isko Moreno at Isla Puting Bato in Tondo, Manila on November 27, 2024
STAR/ Edd Gumban

Sa latest SWS survey

MANILA, Philippines — Sigurado na ang pagbabalik sa Lungsod ng Maynila ni dating alkalde Francisco “Isko Moreno” Domagoso matapos niyang tambakan ng mala­king porsiyento ang kanyang mga kalaban sa 2025 mayo­ralty race sa survey ng Social Weather Station.

Batay sa “Electorial Preferences and Voting Attitudes in the City of Manila” ng SWS simula Oktubre 27 hanggang 31, 2024, halos landslide si Isko laban kina Maria Sheila Lacuna-Pangan at Samuel Salonga Verzosa, Jr. matapos na lumabas sa kabuuang survey na nagkamit si Domagoso ng 70% habang 17% si Samuel Salonga Verzosa, Jr.; 11% naman kay Maria Sheilah Honrado Lacuna-Pangan at 3% ang undecided.

Sa 1st district, nakakuha si Domagoso ng 82%; 12% si Verzosa; 5% si Lacuna-Pangan at 1% ang undecided habang tinambakan din ni Yorme sa 2nd district  na 76% boto ang mga kalabang sina Verzosa (13%) at Lacuna-Pangan (10%). May 2% undecided.Sa 3rd district, nakakuha ng 61% si Domagoso, habang 18% si Verzosa at 17% si Lacuna-Pangan habang sa ika-apat na distrito, 51% ng mga respon­dent ang pabor kay Yorme, 31% kay Verzosa; 13% kay Lacuna-Pangan; at 4% ang undecided.

Malaki rin ang lamang ni Domagoso sa mga kalaban sa ika-5 distrito sa botong 71% laban kina Verzosa, 17%; Lacuna-Pangan, 10% at 3 ang undecided habang nakapuntos sa ika-6 distrito si Domagoso ng 70% habang 11% si Verzosa, 14% si Lacuna-Pangan at 5 ang undecided.

Ang last quarter 2024 survey ng SWS ay indikasyon suportado ng Manilenyo si Isko. Ka tandem ni Isko si Chi Atienza bilang bise-alkalde.

FRANCISCO “ISKO MORENO” DOMAGOSO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with