Pagtayo sa parking slots, bilang reservation bawal na
MMDA bubuo ng ordinansa
MANILA, Philippines — Bubuo ang Metro Manila Council (MMC) ng ordinansa na magpaparusa sa mga taong tatayo sa mga parking slot upang ireserba ang parking space sa kanilang sasakyan.
Sa ginanap na pulong balitaan, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairperson Romando Artes na pag-aaralan at babalangkasin na nila ito upang maiwasan ang gulo na nagiging viral sa social media.
Inaasahang magpapasa ng uniform ordinance ang 17 local government units (LGUs) sa Metro Manila sa pagbabawal at pagpaparusa sa mga taong magrereserba ng mga parking slot.
Palliwanag ni Artes, makikipag-ugnayan sila sa mga malls at private parking upang ma-institutionalize at mapagbawalan.
Kadalasan aniyang nag-aagawan ng parking space sa mga private parking.
Dagdag pa ni Artes, halos sunud-sunod ang insidente ng ‘parking reservations’ na dapat na masolusyunan sa lalong madaling panahon.
- Latest