^

Metro

Higit P15 milyong halaga ng shabu nasabat, 6 na suspek, timbog

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa P15 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) kasabay ng pagkakadakip sa anim na drug suspect sa magkakahiwalay na operasyon sa Que­zon City.

Sa report na tinanggap ni QCPD Director, PCol. Melecio M Buslig, Jr., mula kay District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni PMAJ Wennie Ann Cale kinilala ang mga dinakip na sina Arlene Ann Goco, 36, residente ng Brgy. Plainview, Mandaluyong City; Lia Lauren Llige, 42, residente ng Brgy. Batis, San Juan City; Daryl Sarona, 26, residente ng Brgy. Batasan Hills, Quezon City; at Jerome Palacios, 49, residente ng Pateros, Metro Manila; Terence Concepcion, 43, residente ng Brgy. Highway Hills, Mandaluyong City, at Mohammad Villar Dana, 36, ng Brgy. Tandang Sora, Quezon City.

Ang mga suspek ay naaresto ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni PMaj Wennie Ann Cale sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Ageny (PDEA)

Sa unang operasyon, ang mga suspek na sina Goco, Llige, Sarona, Palacios, 49, ay naaresto bandang 1:30 ng hapon nitong Martes (Nob­yembre 5), sa No. 786, Aurora Blvd., Brgy. Kaunlaran, Quezon City.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 60 gramo ng high-grade marijuana (Kush) na nagkakahalaga ng P90,000; 400 pirasong ecstasy tablets na may halagang P680,000; isang litro ng marijuana kush oil na nagkakahalaga ng P1,200,000, at 20 piraso ng liquid marijuana vape na may halagang P30,000 na may kabuuang halaga na P2,680,000.

Bandang 2:30 ng hapon naman nitong Miyerkules, Nobyembre 6, naaresto sina Concepcion at Dana sa kahabaan ng Carlos P. Garcia Ave. malapit sa kanto ng Velasquez St., Brgy. UP Campus, sa lungsod.

Nakumpiska mula sa kanila ang 1,770 gramo ng shabu at 750 gramo ng methy­lenedioxymethamphetamine (MDMA), na may kabuuang halaga na P13,161,000.

Ang mga suspek ay mahaharap sa kasong paglabag ng R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

“Binabati ko ang mga operatiba ng DDEU, ganundin ang mga miyembro ng PDEA-NCR sa matagumpay na buy-bust operation na nagresulta sa pagkahuli sa mga drug suspects at pagkakumpiska ng malaking halaga ng ilegal na droga. Makakaasa ang QCitizens na tuluy-tuloy ang QCPD sa pinaigting na kampanya laban sa iligal na droga upang masiguro na ligtas ang bawat mamamayan sa Lungsod Quezon,” pahayag ni P/Col. Buslig, Jr.

QUE­ZON CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with