Lider ng Rex Fajad Criminal Group timbog
MANILA, Philippines — Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang lider ng Rex Fajad Criminal Group nang matiyempuhan sa Pasig City.
Sa ulat na isinumite kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Acting Director PMajor General Sidney Hernia, nadakip si Abdulfahad Dirampa Malik, na kilala rin sa “Rex Fajad, 35, alas-12:35 ng madaling araw ng Nobyembre 2, 2024 sa Urbano Velasco Avenue, Brgy. Pinagbuhatan, Pasig.
Nabatid na napansin ng isang tauhan ng Pasig Police kasama ang dalawang barangay tanod ang kakaibang kinikilos ni Fajad at tatlo pang kasamang rider malapit sa isang establisyemento.
Nang lalapitan ng mga tanod, nagkunwari si Malik na nagpapatulong na maitulak ang kanyang Honda Beat motorcycle sa riders ng Yamaha Sniper, at saka bilang bumunot umano ng baril at pinaputukan ang direksyon ng pulis na nauwi sa pagganti ng putok at tinamaan si Fajad.
Dinala siya sa Pasig City General Hospital habang nakatakas naman ang hinihinalang kasamahan sa grupo. Narekober sa kaniya ang kalibre .38 na baril, at kinumpiska ang kaniyang motorsiklo.
May mga nakabinbing kaso sa korte si Fajad sa iligal na droga noong Pebrero 2021; carnapping, at abduction case sa Marawi noong 2022, illegal possession of firearm.
- Latest