^

Metro

Admin ng Barangka Cemetery, 5 pa kinasuhan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Admin ng Barangka Cemetery, 5 pa kinasuhan
Piles of human remains were seen all over inside the Marikina City Public Cemetery October 30, 2024
STAR/Walter Bollozos

Bangkay sa sementeryo, hinukay

MANILA, Philippines — Kinasuhan na ng Marikina City Local Government Unit (LGU) ang mga tauhan ng Barangka Cemetery, kabilang ang administrator nito at limang iba pa, dahil sa umano’y paghuhukay ng mga bangkay sa naturang sementeryo ng walang permiso.

Mismong sina City Epidemiology Surveillance Unit (CESU) head Dr. Christopher N. Guevara at Environmental Health and Sanitation chief Rolando V. Dalusong ang naghain sa Marikina City Prosecutors’ Office ng kasong paglabag ng Presidential Decree 856, laban sa administrators, administrative staff at underta­kers ng Barangka Public Cemetery na sina Renato Beltran; Ian Lester Beltran; Irish Santos; Rowell Ogayon; Pablo Papa; at isang alyas “Solayao.”

Batay sa reklamo, nilabag ng mga akusado ang Section 5 ng PD 856 na nagbabawal sa hindi awtorisadong paggambala o paghukay sa mga labi ng isang yumao, nang walang kaukulang permiso, at pagkabigong ilibing ang mga itong muli ng maayos.

Nabatid na nag-ugat ang pagsasampa ng kaso matapos na lumitaw sa isinagawang imbestigasyon at inspeksiyon ng City Health Office (CHO) na may ilang bangkay ang nakasilid sa plastic bags ang nadiskubre sa isang open space sa loob ng naturang sementeryo.

Nakasaad sa reklamo na ang mga natu­rang labi ay hinukay ng walang kaukulang permit at hindi rin inilibing ng maayos.

Matatandaang una nang inatasan ni Marikina Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro ang mga opisyal ng sementeryo na huwag hukayin ang alinmang puntod sa Barangka Cemetery, na sumasailalim sa rehabi­listasyon.

“May existing nga tayong ordinansa pero naglabas ako ng moratorium para huwag na muna maghukay,” anang alkalde. Papanagutin natin sila sa batas. Kinasuhan na natin nang administratibo at kriminal lahat ng involved na personnel ng Barangka Cemetery.”

Nanindigan din ang alkalde na hindi nila palalampasin ang ginawa sa mga bangkay sa Barangka Ceme­tery dahil ito ay mali at walang kapatawaran.

vuukle comment

MARIKINA CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with