^

Metro

9 pamilya nawalan ng bahay sa Las Piñas

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
9 pamilya nawalan ng bahay sa Las Piñas
Sa inisyal na ulat, nagsimula ang apoy sa bahay ng isang Walter Rosita, sa St. Mary Homes, Almanza Las Piñas City alas-2:00 ng madaling araw ng Setyembre 28.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nawalan ng tirahan ang siyam na pamilya sa sunog na naganap sa, Las Piñas City, Sabado ng madaling araw.

Sa inisyal na ulat, nagsimula ang apoy sa bahay ng isang Walter Rosita, sa St. Mary Homes, Almanza Las Piñas City alas-2:00 ng madaling araw ng Setyembre 28.

Ayon kay Bureau of Fire Protection (BFP) Las Piñas, FChief Inspector  Garynel Julian, siksikan at masikip ang mga daan papasok kaya nahirapan silang makapwesto na nagawan naman ng paraan upang magkasundo na isang hilera lang ang lahat ng firetrucks, kasama ang fire volunteers.

Hindi rin aniya, maiaalis na nakadagdag pa ang dami ng mga taong nag-usyoso sa mga oras na dapat ay mga natutulog pa.

Umakyat lang sa ikalawang alarma ang sunog na ganap na naapula alas-3:40 ng madaling araw.

Itinaas ang ikalawang alarma ng 2:24 a.m. kung saan higit sampung firetrucks at volunteer fire brigade ang rumesponde.

Nasa pitong kabaha­yan na nagsimula sa isang apartment at mabilis na kumalat.

Wala namang nasaktan o nasugatan.

Hindi pa tukoy ang sanhi ng sunog sa lugar.

FIRE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with