^

Metro

870 tonelada ng basura nahakot sa Metro Manila

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
870 tonelada ng basura nahakot sa Metro Manila
Sina MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes kasama sina DILG Sec. Benhur Abalos at Malabon City Mayor Jeannie Sandoval sa isinagawang massive cleanup drive sa Brgy. Tinajeros, Malabon City kahapon. Bahagi ito sa Kalinisan Project’ ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos humagupit si ‘Carina at Habagat’.
Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — Umabot na sa 870 tonelada ng basura ang nahakot sa iba’t-ibang lugar sa National Capital Region (NCR) na dulot ng pananalasa ng bagyong Carina at habagat, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sinabi ni MMDA Chairman Romando Artes, ang kabuuang nahakot ay simula lamang Hulyo 24 hanggang Hulyo 31.

Kahapon, Agosto 3, pinangunahan ng  Department of the Interior and Local Government (DILG) at Kalinga at MMDA ang “Kalinga At Inisyatiba Para Sa Malinis Na Bayan” (KALINISAN) programsa  Malabon City, kasunod ng pagbaha dulot ng naturang kalamidad.

Sinabi ni DILG Secretary Benhur Abalos na ang programa, na nakatutok sa clean-up operations, ay naglalayong magbigay ng malusog at ligtas na kapaligiran at hikayatin ang partisipasyon ng komunidad na nakaangkla sa diwa ng bayanihan.

Hinikayat niya rin ang komunidad na makipagtulungan sa pamahalaan upang mapanatiling malinis ang kapaligiran sa pamamagitan ng disiplina at tamang gawi sa pagtatapon ng basura.

Samantala, sinabi naman ni  Artes na ang pagkumpuni sa nasirang Malabon-Navotas River navigatio­nal gate ay prayoridad ng  national government at concerned agencies na mahigpit na nagbabantay sa sitwasyon at gumagawa ng tamang hakbang.

“The repair of the navigational gate is complicated, so we have to be very careful. In coordination with the DPWH, we are working on the repairs based on the agreed timeline. Rest assured we will hasten the repair,” ani  Artes.

Patuloy pa rin aniya ang pagsasagawa ng clean up operations sa iba pang bahagi ng Metro Manila na naapektuhan ng nasabing kalamidad.

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with