^

Metro

Bangka lumubog: 48 sakay, nasagip - PCG

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa 48 katao ang nasagip matapos na lumubog ang kanilang sinasakyang bangkang de-motor nang balyahin ng dambuhalang mga alon sa gitna na rin ng panalalasa ng bagyong Aghon sa karagatan ng Claveria, Masbate nitong linggo.

 Sa report na Philip­pine Coast Guard sa Masbate Office of Civil Defense (OCD) kasalukuyang lulan ng bangkang de-motor na Oceanus Uno ang mga tao nang salpukin ng malalaking alon ang kanilang sinasakyan.

Ang insidente ay nangyari sa bahagi ng karagatan ng Brgy. Peñafrancia ng nasabing bayan.

Dahil dito tumaob ang bangka nang pasukin ito ng malalaking alon kung saan nanguyapit dito ang mga lulan nitong katao.

Agad namang nagsagawa ng search and rescue operation ang PCG at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (NDRRMO) ng nasabing bayan.

Masuwerte namang nasagip ang 48 pasahero at crew ng nasabing sasakyang pandagat.

Nabatid na hindi umano tumalima ang nasabing mga indibidwal sa pagbabawal ng PCG na huwag maglayag bunga ng masamang lagay ng panahon.

vuukle comment

OCD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with