^

Metro

4 tinedyer na wanted sa pagpatay, arestado!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Apat na teenagers na pawang itinuturing na most wanted persons (MWPs) ng mga awtoridad sa Makati City dahil sa kasong pagpatay, ang naaresto  inaresto sa Sta. Ana, Manila, nabatid kahapon.

Kinilala ang mga naarestong MWPs na sina Gedrick Rodillas, 18, tricycle driver, ng San Andres Bukid, Manila at itinuturing na Top 1 MWP sa station level; AJ Atienza, 18, tricycle driver, ng San Andres Bukid, Manila, na itinuturing na Top 4 MWP sa station level; at dalawang 16-anyos na lalaki, na hindi na pinangalanan dahil sa pagiging menor-de-edad ng mga ito, ngunit kapwa itinuturing na Top 2 at Top 3 MWP sa station level.

Lumilitaw sa naantalang ulat ng Manila Police District (MPD)-Warrant and Subpoena Section na dakong alas-5:45 ng hapon ng Biyernes nang maaresto ang mga suspek sa Zobel Roxas St., sa Sta. Ana, Manila.

Inaresto ang mga suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong murder na inisyu ni Hon. Cristina Javalera Sulit, presiding judge ng Makati City Regional Trial Court Branch 140 noong Hunyo 13, 2024.

Nag-ugat ang kaso matapos na bugbugin at pagsasaksakin ng mga suspek ang textmate ng nobya ni Rodillas sa P. Ocampo St., sa Brgy. La Paz, Makati City, dakong alas-8:20 ng gabi noong Disyembre 1, 2023 nang dahil lamang sa selos.

vuukle comment

ARRESTED

MAKATI CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with