^

Metro

Ex-pulis itinumba sa Caloocan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Ex-pulis itinumba sa Caloocan
Dead-on-arrival sa Caloocan Medical Center (MCM) si alyas “Christian”, 40, dating miyembro ng Malabon City Police dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang dating pulis matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem nitong Sabado ng madaling araw sa Caloocan City.

Dead-on-arrival sa Caloocan Medical Center (MCM) si alyas “Christian”, 40, dating miyembro ng Malabon City Police dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Isa naman sa mga suspek ay nakilalang si alyas Jay, 27.

Batay sa report, nangyari ang insidente dakong alas-4:20 ng madaling sa A. Mabini St., Brgy. 15, ng nabanggit na lungsod. Sinita at hiningan ng biktima ng lisensiya si alyas Jay na driver ng Mio Motorcycle (8162-UO) at tinanong kung ano ang ginagawa sa Libis Nadurata St.. Gayunman, biglang lumapit ang isa pang lalaki na naka-helmet at pulang t-shirt at pinagbabaril ng ilang ulit ang dating pulis.

Matapos na makitang napuruhan ang dating pulis, tumakas ang mga suspek at iniwan ang gamit na motorsiklo.

Napag-alaman na nasibak sa tungkulin ang biktima dahil nag-AWOL (absent without official leave) sa kasagsagan ng Oplan Tokhang.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with