Job fair ng DOLE sa 97 lugar arangkada ngayong Labor Day
MANILA, Philippines — Magandang balita para sa mga jobseekers dahil nakatakdang magdaos ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng job fair sa may 97 lugar sa buong bansa, ngayong Labor Day, Mayo 1.
Ayon kay Labor Usec. Benjo Benavidez, nagpasya sila sa mga lalawigan magdaos ng job fairs upang mas mailapit pa sa mga jobseekers ang mga available na trabaho.
Nabatid na kabilang sa mga job vacancies na iaalok sa job fair ay nasa retail, manufacturing, at construction, gayundin sa finance.
Una nang sinabi ng DOLE na aabot sa 1,901 employers ang mag-aalok ng kabuuang 154,470 job vacancies sa job fair ngayong Araw ng Paggawa.
Pinayuhan naman ng DOLE ang mga naghahanap ng trabaho na magdala ng maraming kopya ng kanilang resume, diploma, transcript of records at certificate of employment kung dating may trabaho, sa kanilang pagtungo sa job fair.
- Latest