^

Metro

Ex-DA Sec. Yap, inabsuwelto ng SC sa kasong PDAF

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Ex-DA Sec. Yap, inabsuwelto ng SC sa kasong PDAF
This file photo shows the Supreme Court of the Philippines in Manila.
Philstar.com / EC Toledo

MANILA, Philippines — Bunsod ng umano’y “grave abuse of discretion”, inatasan ng Supreme Court (SC) ang Sandiganbayan na ibasura ang lahat ng mga kasong kinakaharap ni dating Department of Agriculture secretary Arthur Yap, na may kinalaman sa Priority Development Assistance Funds (PDAF) scam.

Batay sa desisyon ng SC 3rd Division na iniakda ni Associate Justice Japar Dimaampao at na-promulgate noong Abril 15, pinaboran nito ang “petition for certiorari” na inihain ni Yap at ipinag-utos ang pagbasura sa mga kasong kinakaharap nito, kabilang na ang dalawang kaso ng graft, isang bilang ng kasong malversation of public funds, at kasong malversation through falsification of public documents.

Nabatid na sa impormasyong inihain ng Ombudsman sa Sandiganbayan noong 2017, sina Yap at dating Misamis Occidental 1st District Rep. Marina Clarete ay inakusahan ng maling paggamit o “misused” ng PDAF na nagkakahalaga ng P7.8 milyon noong 2009 para sa mga umano’y “ghost projects” gaya ng pamamahagi ng livelihood kits sa mga kuwalipikadong benepisyaryo.

Anang Korte Suprema, nakagawa ang Sandiganbayan ng “grave abuse of discretion” nang sabihin nitong ang impormasyon o formal charges, na inihain kay Yap ay nagtataglay ng mga alegasyon na sapat upang idiin siya sa mga kasong isinampa laban sa kanya.

Inihayag ng Kataas-taasang Hukuman na ang paglagda ni Yap ng isang memorandum of agreement sa pagitan ng DA at ng implementing agency na National Agribusiness Corporation, ay hindi nagpapakita ng partiality o kapabayaan o ‘di kaya ay nagbibigay ng unwarranted benefits sa kanyang mga kapwa akusado.

Pinuna rin na kumilos ang Sandiganbayan nang may matinding pag-abuso, nang magpasya itong walang labis na pagkaantala ang dulot ng Ombudsman sa paunang imbestigasyon ng mga kaso.

vuukle comment

SUPREME COURT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with