^

Metro

Guwardiyang ‘bantay salakay’ timbog sa Valenzuela

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang security guard ang himas rehas matapos na ireklamo ng pagnanakaw sa alahas at cash ng isang em­pleyado ng city hall ng Lungsod ng Valenzuela.

Batay sa imbestigasyon ng Valenzuela police kasong theft ang isinampa ng  biktimang si Francisco, 50, laban sa suspek na security guard na si alyas “Cruz”, 40, residente ng Brgy., Ugong ng lungsod.

Lumilitaw na nangyari ang insidente ng pagnanakaw dakong alas-5 ng hapon nitong Martes.

Ayon sa biktima na  empleyado  ng Valenzuela  City Hall, pauwi na siya nang matuklasan niyang nawawala sa kanyang drawer sa accounting office ang kanyang P3,000 cash at gold na singsing na nagkakahalaga ng P10,000.

Agad na ni-review ni Francisco ang closed-circuit-television (CCTV) camera sa kanilang tanggapan at doon nakita na binuksan ni Cruz ang drawer.

Humingi ng tulong ang biktima sa mga pulis na nagresulta sa pagdakip sa suspek sa mismong lobby ng city hall.

Tanging singsing na lamang ang nabawi sa suspek.

Hindi naman nagbigay ng anumang pahayag ang suspek.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with