17-anyos babaeng Taekwondo jin, bugbog-sarado sa black belter
Sparring ‘sinadya’ dahil sa selos?
MANILA, Philippines — Pinaiimbestigahan ng Philippine Taekwondo Association ang insidente ng pagkaka-ospital ng isang 17-anyos na babaeng yellow belter o nagsisimula pa lamang matuto sa Taekwondo nang ilaban sa isang lalaking black belter, sa Bulacan.
“In our Philippine Teakwondo community, the safety and well-being of our students and coaches are always our highest priorities. The Philippine Taekwondo Association (PTA) has been notified about this incident and we have initiated our primary investigation, working closely with our PTA Officers and PTA Regional Directors. Rest Assured that we are taking matters seriously. We are working within our jurisdiction in determining the facts of the events to ensure accountability within our community…” ayon sa press statement ng PTA.
Ayon sa ulat nitong Martes, nitong Pebrero nang maganap ang sparring session ng estudyante ng Jesus Is Lord Colleges Foundation Inc. kung saan kamuntik nang ikamatay ang mga natamong mga pasa at pamamaga ng mukha bunga ng matinding bugbog mula sa isang mas mabigat, matangkad at black belter na nakalaban, batay na rin sa inilabas na video.
“Muntikan na po ako mamatay dahil sa bugbog. Binugbog ako na wala akong laban. ‘Di ko kaya lumaban wala ako magawa sa sarili ko kasi pinartner ako sa lalaki na mas mabigat sa akin 70 kilos, black belter pa. Kakasimula ko lang po,” ayon sa biktima sa panayam ng GMA News.
Naghain na rin ng reklamo kaugnay sa Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act ang pamilya ng biktima laban sa coach na sinasabing responsable sa pangyayari.
Paniwala ng pamilya ng biktima, sinadya ng coach ang ‘di patas na sparring match dahil sa selos.
“Sinadya po dahil may gusto siya sa anak ko. Meron daw pong biglang inaakap siya, inaakbayan, tapos inaaya siya kumain sa labas, magkape nang sila lang dalawa. Sabi ko ‘di na normal yun,” pahayag ng ina ng biktima.
Hindi umano match ang isang baguhang estudyante o yellow belter ay sersyosong inilaban sa isang black belter na may mataas na kasanayan sa martial arts.
Sa paliwanag naman ng isang martial arts instructor na si Nathan Espino, isang martial arts instructor simula 2007 sa iba’t ibang paaralan sa Metro Manila, ang black belter ay nakaalalay lamang at hindi naglalabas ng matinding puwersa at ang pinagtutuunan ang pagpapahusay sa yellow belter.
“At that level of disparity in training, the senior should be holding back and acting more like a one-on-one coach, or sinasanay sa reaction time but not the force,” ayon sa panayam kay Espino ng Philstar.com
Sinabi naman ng Jesus Is Lord Colleges Foundation Inc. na pinaiimbestigahan din nila ang insidente at pananagutin ang sinumang responsible.
- Latest