^

Metro

Kauna-unahang EBus inilunsad

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Kauna-unahang EBus inilunsad
Department of Transportation Undersecretary Jesus Ferdinand "Andy" Ortega leads the inspection of a bus company's newly acquired electric vehicle (EV) buses in Quezon City on November 27, 2024
STAR/ Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Inilunsad kahapon ng Victory Liner, Inc. ang kauna-unahang electric bus na layong mabigyan ng sapat na masasakyan ang mga commuters mula Cubao-Pampanga at vice versa.

Ayon kay Marivic del Pilar, Presidente at General Managee ng Victory Liner, Inc. layon ng EBus na maserbisyuhan ang mga commuters sa makabagong sistema sa tulong ng Higer, ang nangunguna sa electric vehicle innovation. Ani Del Pilar walang oil change at transmission cost ang EBus at may Wi-Fi router.

Isinailalim sa pilot test kahapon ang EBus na bumiyahe mula EDSA Munoz hanggang Ortigas pabalik sa kanilang motorpool sa Baler St. Brgy Paltok, QC

Sinabi naman ni Transportation Undersecretary Andy Ortega, na kauna-unahan ang VLI sa pagkakaroon ng EBus na layong mabawasan ang carbon emission transportation.

“We are seeing the scenario that more electric buses with low carbon emission in the future. We welcome the private initiative of Victory Liner in achieving the global goal of low carbon emission,” ani Ortega.

Magsisimulang bumiyahe ngayong Disyembre ang EBus ngayong Dis­yembre kung saan inaasahan ang dagsa ng mga magsisiuwi sa pro­binsiya sa San Fernando, Pampanga.

Nabatid naman kay Elison Tan, ng Higer Philippines na mayroong 65 passenger capacity na makakapag­hatid sa layong 350-500 kms kung full charged EBus.

Binigyan diin naman ni Engr Brixio Macalinao, operations manager ng VLI, na ang dalawang electric buses ay para sa walong oras na biyahe at nasa P141.00 ang pasahe.

INC.

VICTORY LINER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with