^

Metro

Tensyon sumiklab sa anti-illegal parking ops ng MMDA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Tensyon sumiklab sa anti-illegal parking ops ng MMDA
Nagsagawa ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Special Operations Group Strike Force ng clearing operations sa Barangay Veterans Village sa Quezon City kung saan bahagyang nagka-tensyon nang pumalag ang mga may-ari ng sasakyan na kanilang hinila dahil sa sagabal sa daan at nagsasanhi ng trapik sa lugar.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nagka-tensyon sa ginawang clearing ­operation ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa Banahaw Street Vete­rans Village  sa Quezon City.

Ito ay nang umalma ang mga may-ari ng mga sasakyan sa lugar na pinaghahatak ng mga tauhan ng MMDA dahil sa illegal parking.

Nagsagawa kahapon ng umaga ang MMDA ng anti illegal parking operation sa Veterans Village dahil sa mga reklamo laban sa mga sasakyang illegal na nakaparada sa lugar na nagdudulot nang pagbagal at traffic sa naturang kalsada.

Sa apat na sasak­yan ng isang residente doon, dalawa dito ang hahatakin sana subalit nagkaroon ng pagkakataon ang car owner na matanggal ang kable.

Sinabi ni MMDA Strike Force Cabel Go na ginagampanan lamang nila ang kanilang tungkulin dahil bawal ang magparada ng sasakyan sa mga kalsada.

Gayunman, upang humupa ang tension sa lugar, hindi na hinatak ng MMDA ang mga illegal na nakaparadang sasakyan  sa lugar matapos pairalin ang pasensya at pang-unawa. Binigyan ng panahon ng MMDA ang mga car owners na humanap ng mas maayos na lugar para iparada ang kanilang mga sasakyan.

Niliwanag naman ng pamunuan ng barangay sa Veterans Village na aayusin nila ang tungkol sa problemang ito tulad ng pagpapatupad ng ordinansa para maging one-way ang kalsada at magkaroon ng one side parking doon para maiwasan ang matin­ding trapik sa lugar.

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with