^

Metro

Pananakit ng mga pulis sa nagpoprotestang students, kinondena ni Mayor Joy

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mariing kinondena ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang hindi maayos na dispersal na ginawa ng mga pulis sa mga estudyanteng nagkasa ng kilos protesta sa harap ng House of Representatives kahapon.

Ito ay reaksyon  ni Mayor ­Belmonte  sa kumakalat na video hinggil sa  umano’y hindi makatwirang  dispersal ng mga pulis sa mga mag-aaral na nakita sa video na  itinulak at hinampas ng ilang pulis ang mga mag-aaral ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) habang  nagpapahayag ng kanilang saloobin kaugnay sa mahalagang isyu sa Kamara.

Ayon kay Mayor Belmonte, walang puwang sa lungsod ang ganitong uri ng pag-aksyon lalo pa‘t kilala ang Quezon City bilang malayang lugar para sa pagtitipon at pagpapahayag saloobin ng iba’t ibang grupo.

Dahil dito, kinausap at pinaalalahanan ni Mayor Belmonte si QCPD chief, B/Gen. Redrico Maranan na hindi niya kukunsintihin ang ganitong gawain ng mga pulis.

Bilang tugon, agad na kinausap ni Gen. Maranan ang Internal Affairs Service ng QCPD  upang imbestigahan kung may nagawang  paglabag sa police operational procedures ang mga pulis sa naturang insidente.

Pinulong din ni Maranan  ang station commander ng  Batasan Police at inatasan na pagsabihan ang kaniyang mga tauhan hinggil sa  nararapat na aksiyon sa mga nagsasagawa ng kilos protesta sa kanilang area of responsibi­lity.

ABUSE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with