^

Metro

‘FPJ Station’ ng LRT-1, larga na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
‘FPJ Station’ ng LRT-1, larga na
Commuters line up to purchase train tickets at LRT-1 EDSA station on August 2, 2023.
STAR / Edd Gumban

MANILA, Philippines — Opisyal nang pinalitan kahapon ang pangalan ng Roosevelt Station ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) sa Quezon City at ginawang Fernando Poe Jr. (FPJ) Station, upang isunod sa pangalan ng yumaong Hari ng Pelikulang Pilipino.

Ang ceremonial unveiling o pag-alis ng tabing ng bagong signage ng istasyon ay isinagawa kahapon sa pangunguna mismo si Senator Grace Poe, na adopted daughter ni FPJ.

Sa kanyang mensahe para sa okasyon, nagpasalamat si Sen. Poe dahil sa ngayon ay nabibigyan na ng kahalagahan ang kontribusyon ng mga artistang Pinoy sa bansa.

“Ang mga artista sa ating lipunan, ngayon na lang kinikilala ang kontribusyon. Noon ang tingin, artista ka lang. Ngayon meron na tayong train stop. Hindi lang si FPJ ang magiging huli. Malay niyo sa susunod, iba naman sa ating industriya,” anang senadora.

Ayon pa kay Sen. Poe, si FPJ ang naging simbolo ng mga mamamayan, ano man ang trabaho ng mga ito, na araw-araw ay nagsisipag at walang pagod na nagtatrabaho upang ma­bigyan lamang ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak.

Disyembre 2021 nang lagdaan ni dating Pang. Rodrigo Duterte ang Republic Act 11608, upang palitan naman ang pangalan ng Roosevelt ­Avenue at gawin itong Fernando Poe Jr. Avenue.

Nabatid na ang Roosevelt Avenue, na nasa first legislative district ng Quezon City, ay ang kinaroroonan ng ancestral residence ni FPJ, kung saan niya ginugol ang kanyang kabataan.

Ang LRT-1 ang siyang nagdurugtong sa FPJ Station sa Quezon City hanggang sa Baclaran Station sa Parañaque City.

FPJ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with