^

Metro

Rider salpok sa likuran ng trak, patay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Rider salpok sa likuran ng trak, patay
Nakilala ang nasawi na si Vincent Hernandez, 41, ng 3rd Avenue, Grace Park, Caloocan City.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang isang rider makaraang sumalpok sa likurang bahagi ng isang nakahintong trak sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nasawi na si Vincent Hernandez, 41, ng 3rd Avenue, Grace Park, Caloocan City.

Inimbitahan naman ng pulisya ang driver ng Isuzu cargo truck na si Adan Badal, 64.

Sa ulat ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), naganap ang insidente dakong alas-9:52 ng gabi sa may stoplight sa kanto ng Jose Abad Santos Avenue at Tayuman Street sa Tondo.

Nabatid na nakahinto ang trak dahil sa red light   nang biglang sumalpok sa bandang kanang likuran ang motorsiklong minamaneho ni Hernandez. Dahil dito, tumilapon sa kalsada ang biktima at sumalpok ang ulo sa semento dahilan ng kaniyang pagkasawi.

Nakatakdang sampahan naman ng pulisya ng kaso ang tsuper na si Badal sa Manila City Prosecutor’s Office na siyang magdedetermina kung may pagkakasala siya sa insidente.

vuukle comment

VINCENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with