^

Metro

Singil sa medical exam sa pagkuha ng lisensya, ibinaba sa ?300 - LTO

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Singil sa medical exam sa pagkuha ng lisensya, ibinaba sa ?300 - LTO
Stock image of LTO driver’s license.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Ibinaba ng Land Transportation Office (LTO) sa ?300 ang maximum na halaga ng medical examination na sisi­ngilin ng mga accre­dited na medical clinic o health facility para sa aplikasyon ng student permit at dri­ver’s license.

Ito ang nakasaad sa nilagdaang Memorandum Circular ng nagbitiw na LTO Chief Jay Art Tugade bilang tugon sa mga hinaing kaugnay ng mataas na halaga ng medical ­examination na isa sa mga pangunahing requirement sa pagkuha ng lisensya ng pagmamaneho.

“Hindi po natin maisa­santabi ang maraming reklamo kaugnay ng sobrang mahal ng pagkuha ng medical certificate na ang iba ay nagbabayad ng ?500 hanggang ?700. Mabigat na ang halaga na ito para sa ating mga ordinaryong mamamayan,” sabi ni Tugade.

Ayon kay Tugade , ang magiging maximum prescribed rate ng medical examination fee na sisingilin sa mga driver-applicant ay ?300 kada transaksyon. Maaari rin aniya na ma­ningil nang mas mababa sa ?300.

Sakop ng bagong polisiya ang lahat ng LTO accredited medical clinics at health facilities kung saan ay accredited din na doktor ang nagsasagawa ng medical, physical, optical at iba pang pagsusulit para sa aplikasyon ng student driver’s permit, bagong non-professional driver’s license at bagong conductor’s license, gayundin sa renewal at upgrading ng lisensya mula sa non-professional tungo sa professional.

Para sa unang paglabag, maaaring maharap sa parusang suspensyon ng akreditasyon sa loob ng 90 araw at multang ?10,000 ang medical cli­nics at health facilities na hindi susunod sa bagong polisiya.

Tatagal naman ng 180-araw na suspensyon at multang ?15,000 ang parusa sa lalabag sa ikalawang pagkakataon at pagbawi na ng akreditasyon bukod pa sa perpetual o habambuhay na diskuwalipikasyon bilang accredited medical clinic o health facility para sa ikatlong beses na lalabag.

LICENSE

LTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with